KAHIT ILANG BESES nadapa sa tawag ng pag-ibig si Ai-Ai Delas Alas, patuloy pa rin siyang magmamahal sa taong magmamahal sa kanya nang totoo at walang pag-aalinglangan.
Nagka-phobia ka na bang magmahal? “Hindi naman phobia ang tawag du’n, pero ‘yung dala ng frustration, ang ginagawa ko na lang, ini-interview ko na lang ang mga lalaki, tapos inaaral ko na lang sila. Ginagawa ko silang case study, ‘yung makikipagkuwentuhan ako. Kunwari, gustong makipag-date, gusto ko lang makipagkuwentuhan lang, kasi nga inaaral ko sila. Titingnan ko kung sino talaga ang may diperensiya, ako o sila? Ano talaga ang pagkatao ng lalaki? Ano ‘yung ugali nilang hindi nagsu-swak sa akin at bakit hindi tumatagal sa relationship?”
Ano ang natutuhan ni Ai-Ai sa past relationship niya? “Polygamous talaga sila, natural sa kanila ang pambababae. Sobra akong selosa, wala ako sa lugar magselos, sobra talaga akong magselos. Kahit wala o kahit ikaw ‘yung lalaki, mabubuwisit ako sa sarili ko parang ganu’n.”
Alam mo naman pala ‘yung depekto mo, bakit ginagawa mo pa? “Siguro sa pinagdaanan ko, hindi ako maka-get-over. Palagi kong iniisip, aalis, hindi nagpapaalam, ‘t**g-i***g ito, mambababae ito, ganu’n. Trauma, parang ang feeling ko niloloko ako.”
Bakit nga pala bigla kang nag-decide na magpakasal sa Las Vegas na nauwi naman sa hiwalayan? “Palagi naman akong ganu’n, gusto kong nagpapakasal para akong gago. Nakakatawa, mayroon kasi akong ugali na minsan masyado akong religious na ang feeling ko kapag ako’y nakikipagganyanan, makasalanan ako. At saka, feeling ko dati kasi kabit ako, kapag kabit ako, feeling ko makasalanan ako. Ayaw kong nakikipag-sex, dapat nagse-sex tayo kasi kasal tayo, ganoon.”
Itong huli mong love affair, ano’ng nangyari? “Wala lang, nakasanayan na lang, ayaw ko ng ganu’n. Wala naman kasing kahihinatnan, sayang lang ang panahon. Karamihan sa lalaki, ayaw ng commitment, lalo na ako. Alisin natin si Ai-Ai, ako, babae lang ako, babae akong may tatlong anak, forty four na. Kunwari, ito bata, bakit naman siya kukuha ng kagaya ko? Kukuha siya ng dalaga na pakakasalanan niya. Ako, trip lang niya ako, masaya, ‘di ba? Masaya, kahit papaano na startruck din. May mga ganu’n kasi, usually hindi naman mga artista ang nagiging boyfriend ko, ordinaryong tao lang. So, kasama ‘yun, binata ‘yun, inaral ko na ‘yun. Bakit niya ako pakakasalan? Puwede naman siyang pakasal sa dalaga, walang responsibility.”
Kahit maraming lalaki ang nagdaan kay Ai-Ai never naman siyang ginamit ng mga ito. “Pasalamat din ako, ‘yung mga lalaking na-involve sa akin, hindi showbiz na gustong mag-artista. Naging boyfriend ko ito, tapos hiniwalayan ako. ‘Ako ang syota ni Ai Ai,’ wala namang ganu’n. Lahat naman ng nakarelasyon ko, in good terms pa rin kami kahit nagkahiwalay na kami. Bilang lang ang hindi, siguro dalawa lang sila.”
Sa mga nakarelasyon ni Ai-Ai, sino nga ba ang nakipaghiwalay?“ Sila, iniiwan nila ako. Minsan ako, pero halos madalas, ako ang iniiwan din. Niloloko nila ako kaya nakikipaghiwalay ako. Alam ko agad, nanggaling na ako d’yan, one hundred times na, gagawin mo palang alam ko na.”
‘Yung boyfriend mong bagets na gusto kang pakasalan, bakit hindi nag-last ‘yung relationship n’yo? “Hindi talaga kami puwedeng magsama, bata siya, 19 years old, walang mangyayari! Isa rin ‘yun kung bakit ako pumapatol sa mga bata kasi ‘yun ang binata. Nagkataon nga lang na bata sila, pero mga binata sila. Hindi mo sila pinatulan dahil bata sila, kundi binata sila. Anytime, kunwari lang, mabuntis niya ako, anuman ang mangyari, puwede niya akong pakasalan dahil binata, wala akong kasalanan.”
Para kay Ai Ai, malaking bahagi ba ang sex sa isang relationship? “Oo, naniniwala ako! Seventy percent kasi, kapag dumarating na hindi na kayo nagse-sex, wala na ‘yun! Kapag sinabi mo para na lang kayong magkapatid, delikado ‘yun. Part ‘yun ng buhay na nagse-sex kayo bilang magasawa.”
Hindi nga ba napapagod si Ai-Ai na patuloy magmahal at umibig? “Hindi ko pa alam pero lahat naman ng babae nangangarap… kung darating at kung siya ‘yun.Pero kung hindi na darating, sabi ko nga kay God, bigyan mo rin ako ng sign. ‘Yung iba nga, 70 years old, nakapag-aasawa pa. Hahaha!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield