ISA SI AI-AI delas Alas sa mga artista na kung ituring ko ay higit pa sa isang kaibigan. She fondly calls me Ama. Ang dami na naming sinuong na laban ni Aileen. Minsan panalo, minsan talo. Pero nananatili pa rin kaming nakatayo at nakangiti dahil sa bawat laban ay may natututunan kaming magandang aral. At hanggang ngayon ay andyan pa rin siya, kaibigan at bahagi ng aking buhay.
Aileen is dubbed as the country’s undisputed Comedy Concert Queen at muli niya itong patutunayan sa kanyang 20th anniversary concert titled “Akin ang Tronong ‘To” sa Araneta Coliseum on November 19, 8 p.m.
Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko namamalayang naka-20 years na pala si Aileen sa showbiz. She has stayed on top for two decades in showbiz pero kahit malayo na ang kanyang narating ay mapagkumbaba pa rin siya. At gaya ng titulo ng kanyang concert ay siya pa rin ang nag-iisang reyna – kanya pa rin ang korona at ang entablado. Hindi ito madaling gawin ng sinumang artista. Sa tagal ko na sa industriya ay marami na akong nakitang dumating at naglaho, ang iba naman dumating at magpahanggang ngayon ay maningning pa rin.
But Aileen never sits idly on her throne dahil kabisado na niya ang kalakaran sa mundo ng showbiz. Sa showbiz, matira ang matibay. Dapat ay may kalakip na sipag, tiyaga at walang patid na dasal sa Diyos ang bawat kilos mo. Sabi nga ni Aileen sa isang interview, “Kadalasan ang tao, kapag nasa posisyon na, nagiging relax. You should never be complacent or else you will be overtaken by someone new and younger. But it’s better not to think about replacing someone. Always respect your peers and be happy for their success.”
Akin ang Tronong ‘To is presented by Ambient Media in partnership with ABS-CBN and ASAP XV. It is directed by Floy Quintos with Homer Flores as musical director, dance choreography by Georcelle Dapat Sy and costumes by Maxie Cinco.
Joining Aileen onstage are some of showbiz’s heavyweights like Megastar Sharon Cuneta, Asia’s Songbird Regine Velasquez and many more.
Mabibili ang mga tikets sa halagang P4,752 (VIP), P4,224 (Patron), P3,696 (Patron Sides), P2,640 (Lower Box), P1,286 (Upper Box A), P845 (Upper Box B), and P317 (General Admission). Call Ticketnet at 911-5555.
Sponsors ang Manila Bulletin, Business World, 97.9 Home Radio, Ticketnet, Araneta Coliseum at Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda