RIOT SA KATATAWA-NAN ang handog ng Star Cinema, Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To, this coming Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas sa direksiyon ni Wenn Deramas. May pressure bang nararamdaman ang Comedy Queen na makakalaban niya sa takilya ang pelikula nina Vic Sotto at Bong Revilla na Si Agimat at Si Enteng Kabisote?
“Sa amin kasi, basta nagawa ang best namin at nagawa naming lahat na matutuwa ang publiko, okey na ‘yun. Hindi na ako napi-pressure. I’ll just leave it to the Lord. Naalala ko noong unang ‘Tanging Ina’ nu’ng 2003, sobra-sobra ang dasal ko na sana kumita ang movie kasi matagal ko nang hinintay na magkaroon ng break sa pelikula. Nu’ng first day showing namin, signal no. 3 sa Metro Manila. Pero kumita pa rin ang movie namin. So, kung ano talaga ang plano ni God sa movie, ‘yun lang ‘yun.
“Alam ng lahat na idol ko si Bossing Vic. Nanggaling din ako noon sa ‘Eat Bulaga’ kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. ‘Yung dalawang ‘yun pareho silang hari ng industriya. Hindi ko sila kino-consider na kalaban. Nagkataon lang na sabay na magsi-showing ang mga pelikula namin. Kung second lang kami, okey lang . Sila naman ‘yun, hindi ako papayag kung hindi hari! Ha-ha-ha!”
Hindi naging madali para sa Star Cinema na mabuo ang cast. Ipinagpaalam pa nila sa GMA-7 sina Heart Evangelista at Marvin Agustin para makasama sa pelikula. “Karamihan sa mga anak ko sa movie ay nasa abroad na, kagaya ni Yuki Kadooka na nasa Japan. ‘Yung iba ay nasa ibang network na gaya ni Heart. Pero, hindi kagaya ni Marvin pinayagan ng GMA na muling makasama sa last installment ng Tanging Ina. Pero dahil ito na nga ang pinakahuli naming series, hiniling ko talaga sa Star Cinema na dapat kumpleto lahat ang 12 na original kids ko sa movie,” sabi ni Ai-Ai.
Inamin ni Marvin na super excited siya sa pagsasama uli nila ng buong cast ng Tanging Ina. Malaking panghihinayang ni Ai-Ai na hindi napasama si Heart sa cast ng pelikula nila. “Ganoon talaga ang buhay. May mga bagay na hindi natin ma-explain pero nangyayari. Pero kailangan nating mag-move-on.”
Ayon kay Direk Wenn Deramas, “Sa totoo lang, nu’ng una pinayagan si Heart ng GMA-7, binigay nila ‘yung schedule ni Heart na okey naman sa Star Cinema. Then later on, nagbigay sila ng date kung kailan lang puwedeng mag-shoot si Heart. Katuwiran nila, may gagawin daw si Heart sa GMA so, hindi namin kakayanin ‘yung date schedule na ibinigay nila so, ‘yun,” paliwanag ni Direk Wenn.
Alam nating BFF sina Ai-Ai at Eugene Domingo pero pilit pa rin silang iniintriga. Willing ba naman si Ai-Ai na ipasa ang trono niya kay Uge? “Wala namang umaayaw sa trono and I’m sure, si best friend Eugene meron din siyang sariling trono na gusto niya. Ha-ha-ha!”
Tinanong si Eugene kung may plano siyang agawin ang trono ni Ai-Ai? “Wala! Hinding-hindi dahil si Ai-Ai delas Alas is my ‘Queen’! Tapos na tapos na ‘yun. Kung kinakailangan niya ako sa anumang proyekto at kahit na anong tulong ang maibibigay ko sa isang napakapropesyunal at napakamapagbigay na artista tulad ni Ai Ai,” pagmamalaking wika ni Uge.
May intrigang hindi na raw dapat kasama si Eugene sa last installment ng movie. Balita kasing si Pokwang na ang ipapalit kay Uge, how true? “Ewan ko ba kung saan nanggaling ang issue na ‘yan. Maski ako ay naguguluhan. Siyempre, iba na ang original, kasi si Uge kasama ko since noong unang-una. Namamangha ako sa chemistry namin on screen. Tamang-tama lang ang timpla ng batuhan namin ng mga linya. Hindi nakakainis panoorin. Parang we are really made for each other. At saka BFF ko rin ‘yan tulad ni Sharon Cuneta. May plano nga kaming dalawa na magtayo ng sarili naming production. At kung kumita nang husto ulit itong last naming Tanging Ina, may plano kaming kami na mismo ang magpo-produce ng susunod pang project na kami ang magkasama,” pahayag ni Ai-Ai.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield