WALA PALANG FILM contract si Marvin Agustin sa GMA-7, kaya puwede siyang gumawa ng pelikula sa kahit anong film outfit. Kasama siya sa cast ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) ng Star Cinema. Pero bilang respeto naman sa Kapuso network, nagpaalam pa rin daw siya rito. “Kailangan pa rin naman nating gawin ‘yon. Siyempre, respeto na rin. At ‘yon naman ang tama,” sabi pa ni Marvin.
Ano ba ang pakiramdam na muling nakasama at nakatrabaho niya ang dating mga Kapamilya niya?
“Masaya siyempre!” ang nakangiting sagot ng aktor.
Pero aminado si Marvin na bagama’t isa lang siya sa cast member ng Ang Tanging Ina… kabado siya sa magiging resulta nito sa takilya sa darating na Metro Manila Film Festival this Dec. 25.
“Malalaki at magagandang pelikula rin kasi ang kalahok sa filmfest. Saka Bong (Revilla) at Vic (Sotto)?” banggit ng aktor patungkol sa pinagsamahang pelikula ng dalawa. “Nandoon talaga ‘yung kaba.”
Consistent box-office hits ang mga naunang Tanging Ina, kaya malaki talaga ang pressure na malampasan ng ‘final franchise’ ang kinita ng mga nauna.
Aside from being one of the most admired actors, isa na ring successful businessman si Marvin. At isa sa pinakamalakas na business niya ay ang Euro-Japanese restaurant niya na Mr. Kurosawa sa Eastwood City. Class ang resto but very affordable. We sampled some of the foods na talaga namang masasarap.
SPEAKING OF TANGING Ina, last Saturday ay nagbigay ng bonggang Christmas Party for the press si Ai-Ai delas Alas sa Citibest Restaurant sa Tomas Morato. Umulan ng raffle prizes at giveaways. Sabi pa ni Ai-Ai, this is her simple way of thanking all the people na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa kanyang career.
In her comical way, very vocal din ang Comedy Concert Queen sa pagsasabing nag-e-expect siyang manalo bilang Best Actress sa MMFF. Aniya, “Gusto ko talagang manalo ng Best Actress sa filmfest this year, kasi po, talagang ginalingan ko sa pelikulang ito. Magaling po talaga ako rito!”
Magkakaroon ng red carpet premiere ang pelikula on Dec. 20 sa Cinema 6 ng SM Megamall.
HINDI PA RAW nakakausap nina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang original stars ng top-rating TV series nilang Mara Clara na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Nabanggit ito ng dalawang fast-rising Star Magic stars the last time na makausap namin sila. Pero excited at kabado at the same time sina Kathryn at Julia sa anumang feedback nina Judy Ann at Gladys Reyes.
“Mahirap po ‘yung maikumpara sa kanila. Parang marami pa kaming dapat patunayan,” sabi pa ni Kathryn.
“We’re happy sa mga nagsasabi na tulad nina Ate Juday at Ate Gladys, mararating din namin ‘yung narating nila. Sana nga po. Pero napakalaking-challenge nu’n sa amin,” sabi naman ni Julia.
What makes the new Mara Clara clicked? Unlike other remakes na totally ay binabago, ni-retain ng scriptwriters ang original story na nagpasikat nang husto kina Judy Ann at Gladys with minimal updates para sa younger viewers today.
Bore Me
by Erik Borromeo