CONTRARY TO earlier tabloid reports, hindi dalawang linggo kundi isang araw lang pala namalagi si Ai-Ai delas Alas sa ospital before she recently flew to Dubai for a show.
Ang reason for her confinement: Bell’s palsy. Totoong ngumiwi o tumabingi ang mukha ng komedyana, but no cause for alarm dahil she’s back in shape and—yes!—she’s in love again.
Tulad ng kanyang not so distant past lovelife, ilang taong mas bata na naman ang kanyang dyowa, 30 years her junior (Ai-Ai turns golden this November 11 at 20 years old) na si Gerard Sibayan.
Personally, hindi na namin ikinagulat ang muling pagtibok ng puso ng aming barkada cum tropa. If we are to rewrite the Book of Genesis, mauubos ni Eba ang mga mansanas sa paraisong Eden, pero hindi mauubusan ng lalaking mamahalin si Ai-Ai.
“Bakla, last na tala ‘to, pramis. ‘Yun din ang covenant ko kay Lord. Nakooo, may covenant pa raw akong nalalaman, o! Hindi nga, puwera biro, bakla, sabi ko kay Lord, kapag hindi nag-work ‘tong sa amin ni bagets, okey na kahit tumanda ako nang walang kasama sa buhay!” depensa ni Ai-Ai.
Pero siguro naman, without invoking His holy name, the more the Lord sees her happy, mas ikasisiya Niya ‘yon ng loob.
Keep loving, hitad. Just be prepared for the worst.
Eh, kung si Tita Boots Anson-Roa nga, nakatagpo pa ng life partner, ‘no! So will Ai-Ai.
SA ARAW ring ito last week namin isinulat ang mapuwersang tambalan—if ever—nina Senator Miriam Defensor-Santiago at Davao City Mayor Rodrigo Duterte should they run for President and Vice President, respectively, in 2016.
Pero dahil tila bantulot ang alkalde from the drug-free provincial city, an ideal fallback tandem would be Santiago and fellow Senator Grace Poe-Llamanzares.
And why not? A keen observer notes Poe’s simplicity with the way her office looks, from her table to her chair, comparing her workplace sa mga fabulosang tanggapan ng ilang mambabatas that would put to shame even the most expensive office furniture shop in town.
Du’n pa lang daw ay masusukat ang pagkatao ng bagitong senadora na may integridad at walang bahid ng korapsyon.
No doubt.
HOMESICKNESS PROMPTED Jingo to come home unannounced kahit wala pa siyang isang buwang nagtatrabaho sa abroad. At kahit quiet lang ang asawang si Majay, masama nga naman ang kanyang loob dahil nagalaw tuloy ang kanilang ipon sa placement fee ni Jingo.
Dito iikot ang episode this Sunday ng Ismol Family.
Samantala, nahuli ng Math teacher na si Ms. Lupit sina Ethan at Yumi na wala sa kanyang clase. Bilang penalti, pinaglinis sila ng school campus. Babantayan sila ni Ms. Lupit na nagbabasa pala ng Koopad.
Ang kwento ng Koopad ay Tadyakan Ko Puso Mo na tungkol sa dalawang confused superhéroes who decide whether to remain such or to live normal lives. Relating it to Yumi and Ethan, they are asked by their teacher kung ipagpapatuloy nila ang kanilang ang pag-aaral o magliligawan na lang.
Nakatanggap naman si Majay ng email mula sa pinagtatrabahuhan niya sa Dubai at willing daw na i-renew ang kanyang, kaso nag-positive siya sa pregnancy test.
Nang handa na si Jingo sa pagbubuntis ni Majay, bigla naman itong dinatnan si Majay. All this and more, abangan sa Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III