HUMATAW NA MULI ang comedy concert queen na si Ai-Ai delas Alas sa panghihipo ng Hotmen, ang pinakabagong all-male group sa sexy launch show nila last Saturday, June 4, sa Zirkoh, Tomas Morato.
Ang Hotmen ay binubuo ng limang kalalakihan na may iba-ibang aura, kaguwapuhan, at sex appeal na magke-cater sa different “tastes” ng mga girlash at pa-girlash.
Sa said show entitled Stripped directed by Monti Parungao, organized by the Hotmen’s manager and colleague Gorgy Rula, and produced by Red Tag Events, nakakalurkey ang panghihipo ni Ai-Ai sa mga nakasuot pa man din ng skimpy tiger print trunks ng boys on stage, after ng kanilang sing-and-dance production number.
Dakma kung dakma ang drama ni Ai-Ai sa mga kargada ng Hotmen, huh – of different shapes and sizes, hahaha.
Of course, ginawa ‘yun ni Ai-Ai all for the spirit of fun and cool na cool at game lang naman ang Hotmen on stage, kahit na iniisa-isa sila sa pagta-Touchstone Pictures, huh!
“Punyeta, nagawa ko ito nang walang bayad? Hahaha,” tawa niya. “Basta, para sa mga kaibigan ko (na kumuha sa kanya for the show),” malakas na tawa ni Ai-Ai na ikinagulong rin ng tawa ng matured audience.
Ang Hotmen ay binubuo nina Kenneth Salva, Mark William Yap, Danniel Derramayo, Jake Mendoza, at Johnmarc Marcia. Naging guests din nu’ng gabing ‘yun ang indie hunks na sina Johnron Tañada at Dennis Torres.
SPEAKING OF JOHNRON Tañada, ang hunky new actor na alaga naming ito ay malapit nang mapanood sa kanyang launching movie na isang sex-comedy, ang Barako, na produced ng fashion designer na si Avel Bacudio.
Yes, pinasok na rin ng sikat na designer ang indie film production, at aniya’y he is just exploring possibilities sa linyang ito pero siyempre, he’s still into fashion at ‘yun ang daigdig niya.
Ang kuwento niya lang sa amin, noong bata raw siya ay amazed na amazed siya sa panonood ng paborito niyang pelikula sa lumang sinehan sa kanilang probinsiya. Na hindi niya sukat akalain, magiging producer din siya someday, ngayong yumaman na ang friend namin. Hahaha!
Sa mga naka-watch na ng Barako trailer sa YouTube, halos lahat ay naaliw, at na-excite tuloy abangan ang nasabing movie. Sa gay circuit na “silent fans” ng gay indies, familiar na sila kay Johnron, dahil dati itong kasama sa Men of Provoq ng Viva.
Johnron gets his biggest break via Barako at malaki ang pasasalamat nito sa director ng pelikulang si Monti Parungao na siya niya ring director sa Hubad at Provoq, dalawa sa mga best-seller direct-to-videos ng Viva Records, kaya gamay na ni Direk Monti si Johnron.
Isa pang “bago” sa nakakatawa at nakaka-elyang pelikula ay ang rare appearance ni Frederick Peralta, na ang role ay may pagnanasa kay Johnron, at abangan natin kung may lovescene ba si Frederick at Johnron in the movie?
“Many are called, but few are chosen,” say ni Frederick sa amin kung paano at bakit niya tinanggap ang movie. “Masaya ang pelikula, hindi mo ikakahiya. The producer is a good friend.”
Barako also stars Afi Africa (isang gay comedian na lumalabas na sa mga GMA teleseryes) na siyang nagdala ng pelikula sa larangan ng pagpapatawa, Joyce Acorda (of Pulupot), at introducing ang tatlong bagong mukha na siguradong pagpapantasyahan rin ng mga baklita – ang hunk na si Marcus Aboga, ang misteryosong si Allan Stevens, at ang cutie pie na si Miko Pasamonte.
For feedback, please e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro