OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding! Mabubuwang na naman ako sa Earth, kasi uso ngayon taong ito ang kasalang mas matanda ang babae kaysa lalaki.
Unahin muna natin itong si Ai-Ai delas Alas na kung saan bago inihayag ang totoong pagpapakasal nito sa batang-batang si Jed Salang na parang anak na lang niya, maraming seremonya ang nangyari.
Una ang chikkang sinaktan daw si Ai-Ai nitong si Jed. Pinabulaanan naman at hindi raw totoo. At pangalawa ay itong pagbubuntis daw niya na na-delay ang kanyang menstruation nang almost nine days. At matagal pa nga bago aminin na nagpa-kasal na sila sa States, at walang showbiz na inimbita. Pero si Boy Abunda na tinatawag niyang ama at manager niya, kinumbida, pero hindi puwede kaya naghanap na lang ng proxy.
Nagtataka ako kung bakit parang series o telenovela ang kasalang ito na ipinaglihim, tapos kamukat-mukat mo, exclusive sa programa ni Boy Abunda sa The Buzz, na magkasama sina Ai-Ai at Jed na totoong kasal na nga sila, at tuwang-tuwa pa si Ai-Ai kasi para siyang tumama sa lotto.
Kasi nga naman, batang-bata pa itong si Jed at matipuno na parang may balak ding pumasok sa showbiz. Kasi nga sa kanilang interview, nagtataka ako kung bakit siya nandito, na ang sabi ni Ai-Ai, si Jed na lang ang nandidito sa Pilipinas, kasi lahat ng kanyang kapatid at magulang ay nasa States na.
Ang tanong, bakit siya nandito? May business ba siya rito? Kung wala eh, ano ang pakay niya rito? At bago sila ikinasal, may pre-nuptial agreement daw ito na walang makukuhang pera o kung may kayamanan man si Ai-Ai na mapupunta kay Jed. At least, sigurista si Ai-Ai na walang hatian kung sakali silang maghiwalay.
Well, kahit ano pa ang sabihin natin, nandyan na ‘yan. Ang hintayin na lang natin, kung si Ai-Ai ay totoong buntis. Kasi sa edad na 48, bihira na ang nagbubuntis. At kung mabuntis man ito, sinasabi nilang menopausal baby. Kasi ‘yan ang wish ni Ai-Ai na mag-anak uli.
Ang pangalawang nagpakasal din nang walang kaabug-abog ay itong si Mystica. Kaloka! Kasi ang kaibigan kong si Charlie Lozo, tumawag sa akin na kung puwedeng i-cover niya ang kasalang Mystica at ang indie actor na hindi ko kilala, kasi wala namang name na Edwin Lopez daw.
Saan na naman kaya naharbat ni Mystica ang batang-batang lalaking ito? Ang hindi ko maintindihan, walang kahit isang showbiz na bisita at tanging sila sila lang, pero full coverage daw ito ng ABS-CBN 2, GMA-7, TV5, GMA NewsTV at mga radio station, maliban sa DZRH.TV. Kasi nga nu’ng araw ng kasal nila ay wala rin ako program, kasi coverage din ng Aliwan Fiesta na taun-taong ginaganap sa DZRH.
Ano kaya ang gustong palabasin ni Mystica? Bakit may full-coverage ang kanilang kasal eh, hindi na naman sila uso? At bongga rin ang kanilang reception sa Aberdeen Court daw, at kamag-anak lang halos ng lalaki at ni Mystica ang nandodoon.
Hindi ko halos maarok kung ano ang motibo ng kasalang ito. Bakit full coverage? Ang tanong, sina Madam Auring at Tia Pusit, kailan naman kaya ang kasal? Kasi laging nauudlot, ‘di ba? ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding