KUNG HINDI pa sinabi ni Ai-Ai delas Alas na naospital siya dahil sa Bell’s Palsy hindi malalaman ng mga entertainment writers ang nangyari sa kanya.
“Inilihim ko na dahil ayaw kong ma-bother sila (mga showbiz friends niya),” kuwento niya sa press launch ng pelikulang Past Tense ng Star Cinema na ipalalabas na sa darating na November 26. Sa pelikula, kasama niya sina Kim Chiu at Xian Lim sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Based sa isang medical website, ang Bell’s Palsy ay paralysis or weakness ng mga muscle (lalo na sa may bandang mukha). Siguro, sa sobrang pagod, kaya siguro nagkaroon nito ang komedyante. Kaya nga sabi ni Ai-Ai, tama rin daw ang sabi ng mga matatanda tungkol mga pasma. “‘Yong galing ka sa labas na mainit tapos papasok ka sa isang malamig na room, may epekto ‘yun pagdating ng panahon.”
Last Tuesday, araw ng press launch, kaaarawan ni Ai-Ai. Masayang-masaya siya. Bukod kasi na maganda mga naka-line-up sa kanyang mga project ang Star Cinema at ABS-CBN come 2015, happy kami sa Box-Office Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil sa natagpuan na niya ang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gerald Sibayan na halos 30 years old ang agwat ng edad nila.
Kung sa bagay, sa dami ng pasakit ni Ai-Ai sa mga nagdaang pag-ibig, lalo na sa last relationship niya kung saan bugbog-sarado siya, she deserves to be happy this time. Ang mga anak niya na sina Sancho, Nicolo at bunsong si Sofia, botong-boto kay Gerald, patunay lang na tanggap nila ang bagong boyfriend ng ina kahit halos kasing edad lang nila.
Sa katunayan, si Sancho, palaging kalaro ng badminton si Gerald kung saan sa sports na ito nakilala ni Ai-Ai ang boyfriend na ito na rin ang nagiging bonding moments nilang dalawa.
NAPANOOD KO last Wednesday evening ang Relaks It’s Just Pag-ibig. Aliw kami sa kakaibang love story ng pelikula na pinagbibidahan ng mga bagets na sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada.
Agaw-eksena si Erika Villiogco as the sosyalera-Inglesera na maiirita ka sa kanya dahil sa sobrang kaartehan nito na habol nang habol sa “boyfriend” niyang si Iñigo.
Gusto ko ang treatment kung papaano patutunayan nina Inigo, Sofia at Julian ang “true love”.
Mula Manila hanggang Leyte ang itinakbo ng kuwento na along the way, may mga karakter na na-encounter ang mga bida.
Like ko ang movie. Bagets na bagets. Sana panoorin ng publiko. Magandang obra at hindi masasayang ang dalawang daang piso ninyo.
Reyted K
By RK VillaCorta