CONCERT COMEDY Queen Ai-Ai delas Alas has closed her Twitter and Instagram accounts.
“Noon ko pa naman din kasi nare-realize na modesty aside, hindi naman sa nagyayabang kami, nagkaroon kami ng mga pangalan ng wala namang social media. Hindi kami pinasikat ng social media,” say niya sa amin over lunch matapos ang kanyang pa-Christmas party for her household help sa kanyang pabulosang balur sa Ayala Hillside Estates.
“Lahat kami naghirap, from A to Z, from scratch ay pinaghirapan namin ang mga pangalan namin. Pero ngayon, dahil iba na ang buhay, ayoko naman sabihin sa kanila na ‘wag n’yo naman kaming sirain dahil hindi n’yo naman kami kilala. ‘Yung self-respect ay nawala. Kumbaga, binastos ng ano (social media). Parang kahit sino puwedeng magsalita sa ‘yo kahit hindi totoo. Okay lang kung totoo. Ang dami nang sinirang artista ng social media. Kawawa talaga sila,” esplika niya.
She also instructed her son Sancho to close his Twitter account.
“Sinabi ko nga sa kanya, ‘Ngayon anak, nu’ng araw kami, siyempre lumang tao kami, nu’ng araw kami press lang ang naninira or ‘pag kami, ‘pag talagang close kami sa kanila bilang artista (ay napapakiusapan). Ngayon kasi kahit hindi natin kakilala may karapatang magsalita sa atin, eh. Ako, ayoko ‘yon. Kung ikaw kaya mo, pero ako, ang ia-advice ko sa ‘yo ay ‘wag ka na mag-Twitter na kasi unang-una nawawalan ka ng mystery. Pangalawa, nawawala ‘yung respeto mo sa sarili mo. Hindi ka naman nila kilala, eh, pero kung pagsalitaan ka nila. Parang, teka muna. Pinalamon mo ba ako? Bakit ganyan kayo makapagsalita sa akin.
“So, wala na siyang Twitter. ‘Yung IG niya ay naka-private. Kaya lang siya may IG ay dahil sa business niya.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas