Ai-Ai delas Alas, ‘kinalaban’ si Wenn Deramas; ‘bumaklas’ na rin kay Boy Abunda

Ai-Ai-delas-AlasNot only does the roof deck on the 13th floor of ABS-CBN’s ELJ Bldg. serve as a “haven” for smokers, nagsisilbi rin itong “chat room” sa mga adik sa nicotine where stories are intimately shared tungkol sa mga umuusok ding usapin, away from the din ng mga nagsasalimbayang tinig sa idinadaos na presscon one floor above it.

Sa nakaraang pa-thank you sa press ni Coco Martin nitong Huwebes—like a stick of barbecue na tumuhog sa patuloy na pamamayagpag sa primetime block ng kanyang FPJ’s Ang Probinsiyano at ang highest-grossing MMFF entry nila ni Vice Ganda na Beauty & the Bestie—saksi ang cordoned-off yosi area na ‘yon sa naturang palapag sa mga kuwentong naglaan ng pag-aaksaya ng oras tungkol sa patutsada ni Ai Ai delas Alas.

The so-called (and so cold) comedienne—who owes much of her comedic success to ABS-CBN—has accused Star Cinema of “figures-padding” para palabasin na ang entry nito—and NOT her (run-off-the-mill) movie—ang biggest moneymaker.

As we go to press, malapit na raw sa P500 million-mark in domestic gross receipts ang kinita ng Beauty & the Bestie, and we can only loosely combine the key words in the title, box office-wise: beauty na, best pa!

Kaso, the good comedienne is not necessarily a good sport. Okey na sanang hindi mag-concede si Ai-Ai delas Alas sa kanilang pagka-Luz Valdez, pero para paratangang nandaya ang Star Cinema—which produced most, if not all of her blockbuster movies, is like picking an ampalaya here and an ampalaya there, and voila!, she has made a walking bitter melon out of herself!

Ang ending: imbiyerna sa kanya ang AdProm na kinabibilangan nina Roxy Liquigan, Mico del Rosario, at Eric John Salut. Worse, Wenn Deramas—si direk na siyang nagbigay sa kanya ng mukha from what it looked to be amorphous—ang kinalaban niya.

Sey ng mga kaalyado pa mandin niyang reporter, “Ang lola mo rin naman kasi, eh. Dapat sa production ng pelikula niya nanggaling ‘yung emote-emote niya!”

Add to that, may nasagap din kaming tsika na tila bumaklas na si “bakla” mula kay Boy Abunda who—in the first place—is the best person na dapat kinokonsulta ni Ai Ai.

So, hindi na pala kailangan ng hitad ang sound advice ng isang henyo tulad ni Eugenio (Kuya Boy’s real first name)? Then so be it!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleShy Carlos, mas at home sa romantic-comedy project
Next articleDirek Cathy Garcia-Molina, sumagot na sa alegasyon ng pagmumura sa isang talent

No posts to display