SA SIMULA, love na si Ai Ai delas Alas ng mga members ng LGBTQ community.
Para mapamahal ka sa komunidad, isa sa puntos nila ang pagiging bakla mo.
I mean si Ai Ai, babaeng bakla sa simula pa lang ng kanyang showbiz career.
Dati ko na siya napapanood sa Music Box (isang sing-along bar sa Timog Ave., Quezon City) na nagloloka-lokahan sa kanyang hair design para mapansin ko siya at magustuhan.
Naging instant hit ang komedyante sa mga bekis. Love nila ang komedyante.
Pero sa recent statement ni Ai Ai about ”gay marriage”, madami ang nagtampo sa kanya.
Sa presscon ng kanyang pelikula madami ang naloka sa pinagkukuda niya na hindi alam ang kabuunan ng ”gay marriage” na inilalaban ng LGBTQ community.
Kaloka lang, alam ba ni Ai Ai delas Alas ang hanash niya about gay marriage na inilalaban para maipasa ay para sa civil rights ng mga bading, beki bakla, tomboy, t-bird etc.?
Nagiging nganga at nega tuloy sa mga bakla at tomboy ang komedyante.
FYI lang Ai Ai, ang laban ng LGBTQ ay para sa civil rights nila at hindi kasal sa simbahang katoliko ang habol at ipinaglalaban na alam naman ng LGBTQ community na hindi mangyayari.
Walang ilusyon ang LGBTQ community na magpakasal sa simbahan kung yan ang inaakala mo at pagkakaintindi mo based on your interviews.
Ang LGBTQ weddings sa Metropolitan Community Churches ay Holy Unions ang reference kasi they are like any other weddings or union. What we are pushing is Civil Wedding for state recognition para sa same sex couples and same rights and privileges accorded to LGBTQ couples.
Yong LGBTQ Christian Church weddings ay Holy Unions din since ‘di pa approve ang same sex marriage sa puntong legal.
We don’t ask for marriage in Catholic Churches because we know that they don’t want it. Ayaw ng Vatican. Ayaw ng mga ipokrita. Hinayaan na nila yan sa makikitid ang isip na akala nila, sila lang ang ipinagpapala.
But the state should not be closed to other churches who want holy unions for their same sex couples.
While the Catholic Church is trying to monopolize that marriage is their exclusive right, we are urging the state to recognized and protect LGBTQ couples.
NEGA ka Ai sa LGBTQ community ngayon. Love pa naman nila dahil vakla ka. Walang ilusyon ang mga bekis at tibo na magpakasal sa Katolikong Simbahan kung ayaw ng mga banal-banalan. Hoping naiintindihan mo ang isyu on gay marriage (Holy Union) na tinatrabaho sa kongreso ng mga LGBTQ leaders. Baka magalit si Lord sa iyo nyan.
Tuloy ang daming comments sa ‘yo na hindi mo sigurado magugustuhan. Ayaw ka nila maging Ninang. Kung sa internet ay may kasabihan na “Think Before You Click”, sa isyung di mo naman alam ang kabuunan, think and learn muna bago kumuda. Tuloy ang hanash mo trending sa social media at chat rooms na umaalingawngaw ang tawa at halakhakan.