Ai-Ai delas Alas, kumpirmadong lalayas sa Dos

Ai-Ai-delas-AlasCONFIRMED: AI-AI de las Alas lalayas sa ABS-CBN!

Ito ang tiniyak ng aming source close to the comedienne, but her exit won’t be until her contract expires this April 2015. Buong akala kasi ni Ai-Ai na nagtapos na ang kanyang kontrata sa pagtatapos ng 2014, so much as she likes to leave in a huff, she’s still legally bound to her contract.

Like a typical reporter out to make a story, papasok ang five Ws at one H. Pero sa kaso ni Ai-Ai, it is one of curiosity to figure out the answers to the questions WHY and WHERE.

Bakit siya lilipat, at saan namang istasyon siya lilipat?

Sinagot ng aming source ang tanong na bakit. Ai-Ai was reportedly miffed when called by the Star Cinema only to make her explain kung, “Bakit P30 million lang ang kinita ng movie n’yo nina Kim (Chiu) at Xian (Lim)?” Of course, sa standards ng typical Star Cinema film, generating P30M in net profit is like a pouch of coins.

Okey na raw sana ‘yung sa kanya tila isinisisi ang mababang kita ng pelikula, pero sinusugan pa raw ito ng komentong, “Kasi naman, Ai-Ai, puro lovelife mo na lang ang naging sentro ng publicity, e!”

Du’n na raw na-bad trip ang hitad. Okey na raw sana ‘yung tila naburang lahat ang perang iniakyat niya sa kaban ng Star Cinema, but to heap the sole blame on her just because her lovelife was dragged into the fray, teka muna.

Himutok ni Ai-Ai, ipatawag daw ba siya ng Star Cinema para ibutas laban sa kanya ang kanyang lovelife?

So, that’s the answer to the “why” question. Which leaves us to a more intriguing inquiry: saan naman lilipat ang hitad?

Abangan sa aming kolum sa Biyernes, at huwag na ring magtanong kung bakit binitin namin kayo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJane Oineza at Loisa Andalio, pinagsasabong ng mga fans
Next articleJohn Lloyd Cruz, tensiyonado sa isyu ng kasal nila ni Angelica Panganiban

No posts to display