Naturally understandable kung ipinagtatanggol man ni Ai-Ai delas Alas ang kanilang second top-grossing MMFF entry, thus taking potshots at its rival comedy movie na kumabog sa pinagsanib na puwersa pa mandin nila ni Vic Sotto and the phenomenal AlDub tandem.
‘Yun ang kauna-unahang pelikula ni Ai Ai outside Star Cinema, and she’s out there to prove there’s life—too much of it—after ABS-CBN’s film arm.
But wait, we see a diversionary shade to Ai Ai’s line of defense sa pagsasabing sa puso ng buong cast at sa puso ng buong sambayanang Pilipino ay sila ang Number 1. Bukod naman kasi na karapatan niyang kumanta ng halleluiah nang walang patumangga, kailangang makuha niya ang amor ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na buwisit sa kanyang pangingialam noon sa kalyeserye ng “Eat Bulaga!” as Alden’s intrusive, intrimitidang Russian grandma kuno.
That way, bida si Ai-Ai delas Alas sa pagdepensa sa pelikula ng AlDub, their first ever film together. ‘Yun nga lang, Ai Ai fails to realize that while she’s coming on too caramel-sweet in endearing herself to the AlDub nation, she strikes as a freshly picked ampalaya at its most bitter.
AS WE go to press ay nakatanggap kami ng text invite mula sa Star Cinema para sa idinaos na thanksgiving party ni Coco Martin kahapon, two weeks after the MMFF kung saan nag-Number 1 nga ang “Beauty and the Bestie” entry nila ni Vice Ganda.
Surprisingly though, it was a solely Coco Martin event, hindi kasali si VG na nagpaabot din ng kanyang pasasalamat for another festival success, na pang-ilan na nga ba, Aaron Domingo, Roxy Liquigan, at Mico del Rosario?
Not that the press was looking forward to VG’s sharing (“matic” na rin ‘yon!), but because VG’s presence could have been his chance to set the record straight, once and for all, batay sa seryosong paratang ni Ai Ai against Star Cinema.
Nagkaroon nga ba talaga ng pandaraya sa parte ng film arm ng ABS-CBN? Ang entry ba nina Vic Sotto, AlDub at Ai Ai ang talaga bang top grosser? Ano kaya ang unkaboggable quotable quote ni VG sa klasikong linya ni Ai Ai na, “Karma is a bitch!”
Did the event last night interfere with VG’s work schedule, o kiyeme latik lang na busy siya para na rin makaiwas sa inaasahang mga tanong sa kanya in reaction to Ai Ai’s brickbats?
Dahil tutal naman ay blessed si VG ng nakaraang taon (sa kanya na mismo nanggaling na mas malaki ang kanyang 2015 earnings compared to the previous year) kaya wala nang puwang ang mga nega. Blessed din naman si Ai Ai, ah, but why the nega attitude sa pag-hello pa man din ng 2016?
IF THEIR fans still can’t get enough of Miguel Tanfelix and Bianca Umali starting January 18, ewan na lang namin!
Sa petsa kasing ‘yon na mapapanood ang kanilang third screen partnership na “Wish I May” para ipagpaliban n’yo muna ang inyong nakasanayang siesta after “Eat Bulaga!”, Lunes hanggang Biyernes. Pero tuwing Sunday pa rin nila pakikiligin ang mga Pinoy households via “Ismol Family” as Ethan and Yumi, respectively.
Kung sa nasabing family-oriented sitcom ay nagpapakiramdaman pa sina Ethan at Yumi sa isa’t isa, may uusbong namang kakaibang pagtitinginan kina Tristan at Carina sa WIM who grew up as childhood sweethearts until they get enmeshed in family situations beyond their control.
Kung feel-good sila sa “Ismol Family”, the feeling that one gets from WIM is the desire to fall in love. At kung komedi at riot ang hatid ng “Ismol Family”, emotions run high sa aabangang afternoon prime na ito with a powerhouse cast.
Samantala, narito ang dapat abangan sa “Ismol Family” this Sunday. Isinikreto ni Mommy Cheena na nakasangla ang bahay ni Jingo. Pero mabilis na rumescue si Mama A. who paid the arrears. Problemado naman si Jingo dahil nagkautang naman siya kay Mama A.
Nagbigay naman ng apple pie si Mommy Cheena kina Jingo. Pero sinikreto ni Mama A na galing nga ito sa mommy ni Jingo. Ano kaya ang mangyari kung malaman ni Jingo na nagsinungaling si Mama A?
Pinilit naman ni Ethan na sabihin na ni Yumi kung mahal siya nito. At sinabi na ni Yumi ang nararamdaman niya kay Ethan. Ano kaya ‘yon?
Pinagtatalunan din nina Jingo at Majay kung bike shop o bake shop ang ilalagay nila sa harap na bahay. Ang problema, kung ano raw ang mapagdedesisyunan ay gusto ni Mama A na siya ang mamuhunan.
All this and more this Sunday sa “Ismol Family” ngayong Linggo.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III