SA 4TH anniversary ng It’s Showtime, kakaiba ang bagong segment nilang “That’s My Tomboy”. Ngayon pa lamang, pinag-uusapan na sa social media. For the first time, in the history of television, ngayon lamang nagkaroon ng patimpalak ang mga tomboy. Naiiba ang pa-contest na ito na agad namangh kinagiliwan ng manonood.
Sari-saring kuwento ng buhay ng mga T-bird ang ibinabahagi sa viewing public. Nakatutuwa pero maiiyak ka sa mga pinagdaanan nila para tanggapin sila ng kani- kanilang pamilya. Nakaaaliw silang panoorin lalo na sa talent portion at Q & A. Sobrang nag-enjoy ang mga judge last week na sina Ai-Ai Delas Alas, Amy Perez, Ruffa Gutierrez at mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez sa performances na ipinakita ng mga tomboy.
Bago mag-comment ang mga judge, tatanungin muna nina Vice-Ganda at Vhong Navarro kung sino kina Ruffa at Ai-Ai ang pipiliin nilang maging girlfriend. Day one pa lang, ang box-office queen kaagad ang paborito ng mga tomboy contestant. Bakit ‘kamo? Na kay Ai-Ai na raw ang mga katangian hinahanap nila sa isang babae. Flattered naman si Ai-Ai sa mga papuring binitawan sa kanya ng mga ito.
Nag-react naman si Ruffa, “Sa mga beki lang ako mabenta.” Hindi raw siya type ng mga tomboy. Si Ai-Ai na raw ang may hawak ng korona. Maging si Amy Perez, sumang-ayon sa tinuran ng actress/ beauty queen. Kunwari, kinokoronahan niya ang singer/actress.
Palibhasa 4th anniversary ng kanilang show, nagkaroon din competition ang mga host, hinati sa limang grupo ang mga ito. To the highest level dapat ang kanilang performance para sa ikasisiya ng madlang pipol. Exciting ang bawat performance ng mga ito na level-up talaga. Nanalong 3rd runner-up (P150,000) ay sina Anne Curtis at Jhong Hilario, Vice-Ganda & Kim, 2nd runner-up (P200,000) at ang big winner ang grupo ni Karylle (P250,000). Ang premyong napanaluhan ng bawat grupo ay ibibigay sa foundation na kanilang napili.
ALIVE NA naman si Direk Wenn Deramas kahit almost two weeks siyang na-confine sa St. Luke’s Hospital sa sakit na pneumonia. Almost two weeks namalagi ang butihing director sa hospital for general check-up. Pinagbalawan ng doctor na tumanggap ito ng bisita para makapagpahinga siya nang husto. Walang ginagawa si Direk kung hindi kumain, matulog at uminom ng gamot. Kailangan niyang magbawi ng tulog at kumpletong pahinga.
Marami ang nag-akalang mild stroke ang naging sanhi ng sakit ni Direk Wenn, kaya medyo natagalan ang paglabas niya sa St. Luke’s. Para mabigyang-linaw ang issue, nagpaunlak ang box-office director na magpa-interbyu sa radio program nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM last Saturday night.
Nagte-taping si Direk Wenn ng Galema nang makaramdam siya ng pagsakit ng ulo at nahirapan na itong huminga. Dahil na rin sa matinding pagod at puyat, may kakaiba itong nararamdaman sa kanyang sarili. Para nga raw siyang nawawalan ng oxygen sa katawan.Para makasiguro, agad-agad siyang nagpadala sa hospital. Ngayon, okay na si Wenn D., may cut-off time na siya. Bawal na sa kanya ang magpuyat. Aside kay Direk Allan, tutulong din si Direk Toto Natividad sa pagdi-direk ng Galema ni Andi Eigenmann.
Very thankful si Direk Wenn sa mga nagpadala ng fruits and flowers habang nasa hospital siya. Sa kanyang mga kaibigan na taos-pusong ipinagdarasal ang maaga niyang paggaling. Palibhasa, hindi nakadalo sa premiere night ng Bekikang si Direk, lulusob kami sa Trinoma on Tuesday para manood ng launching movie ni Joey Paras. Join na mga kafatid, makiisa tayo kay Bekikang.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield