Ai-Ai delas Alas, malaking dahilan ng pag-alis sa Dos ang ‘di raw kumitang pelikula nila nina Kim Chiu at Xian Lim

1 Ai-Ai-delas-AlasXian-Lim-Kim-ChiuKung hindi nagsisinungaling ang aming source, ang isa sa mga malaking dahilan why Ai-Ai delas Alas bolted the gates of ABS-CBN was its film arm Star Cinema’s dissatisfaction kung bakit P30 M lang ang first day gross earnings ng kanyang pelikulang Past Tense.

Kung tuuusin, major support si Ai Ai sa naturang pelikula kung saan ang ibinebenta naman talaga ay ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

Revealed our source, “Naloka si bakla (Ai-Ai delas Alas) nang ipatawag siya sa itaas, isinisisi kasi sa kanya kung bakit ganu’n lang ang kinita ng movie. Ang mas pinag-usapan daw kasi, eh, ‘yung lovelife niya (karelasyon na niya noon ang kanyang current boyfriend) imbes na sina Kim at Xian. Imagine, ipinatawag siya para lang sabihan nang ganu’n? Ang katwiran ni bakla, baket, masama pa ba ‘yung P30 M na kinita ng movie sa first day of showing nito? At least, hindi flop!”

Depensa pa raw ng komedyana, “Eh, ‘yung mga dati niyang pelikula sa Star Cinema na nag-akyat nang limpak-limpak na salapi, burado na ba ‘yon nang dahil lang sa isang pelikula na kung tutuusin, eh, kumita naman?”

Of course, what followed next was Ai Ai’s transfer to GMA. Sa bago niyang istasyon siya nagkaroon ‘ika nga ng new lease on career, damay pati ang paggawa niya ng pelikula—such as her smorgasbord MMFF entry—na balita ngang inilampaso ng “Beauty and the Bestie”.

While in the US, sinamantala ni Ai Ai ang pagkakataon—amidst Star Cinema’s rabid claim na sila ang nag-Number 1—to lash back at her former home studio, going as far as invoking the law of karma sa mga mandaraya. “Karma is a bitch!” ani Ai Ai.

Agad ding nag-react ang Star Cinema saying no such rigging ever took place.

Pati tuloy ang utang na loob—or sheer lack of it on Ai Ai’s part—ay naging isyu na rin. Totoo naman kasi na noong magbukas ng pinto ang ABS-CBN para kay Ai Ai, “blocktimer talent” lang siya ng M-Zet that produced the now-defunct 1-4-3.

Fact is, it was in ABS-CBN and in Star Cinema where Ai Ai’s popularity scaled greater heights. Pero kung utang na loob ang pag-uusapan, pareho lang nagkatulungan ang magkabilang partido: pinagkakitaan ng kumpanya ang serbisyo ni Ai Ai as much as the network made a lot of moolah from her.

Also, Ai Ai reserves the right—with a convoluted mind o wala man—to think na nag-Number 1 nga ang literal na “commercial” entry nila ni Vic Sotto at ng AlDub. Mukha kasing sinakop na rin ni Ai Ai ang pagiging publicist ng pelikula, samantalang tahimik lang ang iba pa nitong mga bida.

What proves, however, to be most sensitive sa depensa ni Ai Ai ay ang reference to the word “pandaraya.” Coming from Star Cinema, noon bang gumagawa pa siya ng mga pelikula roon ay meron nang ganitong practice?

Kung ito ang premise, when her Tanging Ina made a huge killing at the box-office na balitang tumalo sa isang FPJ movie, did Star Cinema release padded figures? ‘Yung iba niyang mga pelikula tulad ng Sisterakas na nag-Number 1 sa MMFF noon, resulta rin ba ng pandaraya?

At the end of the day—and at the end of the festival—shouldn’t Ai Ai’s positive, far from bitchy attitude be… “we brought joy and laughter to our audiences, after all”?

NO DOUBT, Sancho Vito de las Alas inherited her mom Ai Ai’s generous genes.

Sa nakaraang presscon ng afternoon prime na “Wish I May”—ang pambungad ng GMA sa 2016—kasama sa ipinamahagi ang isang black T-shirt na may tatak na Sail City galing kay Sancho.

Together with her mom, nu’ng umaga lang sila nakabalik mula sa US. At dahil made in the Philippines ang classy top na ‘yon, mukhang pinaghandaan nilang mag-ina ang pamamakyaw ng mga ito even before they left.

“Wish I May”—to air after “Eat… Bulaga!” beginning January 18—stars GMA’s hottest teen loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. In the story, Sancho plays Tope, ang best friend ni Tristan (Miguel). Ito bale ang ikalawang regular soap ni Sancho after “Let The Love Begin”.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleHerbert Bautista, ‘wag daw sisihin si Kris Aquino sa pagkatanggal sa “All You Need Is Pag-ibig”
Next articleMaja Salvador, si Angel Locsin lang ang kanyang Darna

No posts to display