“SEMPLANG QUEEN” ang taguri ngayon kay Marian Rivera dahil nga sa pagbagsak sa takilya ng pelikulang pinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Kung Fu Divas. Ito nga raw ang maituturing na pinaka-flop na pelikulang ginawa ni Ai-Ai delas Alas na sinasabing nahila pababa ni Marian pagdating sa box-office appeal.
Hindi man nga raw aminin ni Comedy Concert Queen Ai-Ai ang kanyang pagka dismaya sa naging resulta ng kanilang pelikula ni Marian, pihadong nagsisisi raw ito sa kanyang desisyon na makatrabaho ang itinuturing na Reyna ng GMA-7.
Kung titingnan nga raw sa naging resulta sa takilya ng mga pelikula ni Ai-Ai, halos lahat ng mga ito ay certified box-office hits at kung minsan ay sumisira pa ng record sa laki ng kinikita.
First time nga raw na gumawa si Ai-Ai ng pelikulang talaga namang nilangaw sa takilya. Kaya naman kahi’t anong sabi nitong okey lang sa kanya ang naging resulta sa box-office ng movie nila ni Marian, alam naman daw ng marami na sa puso nito ay nalulungkot siya sa kinasapitan ng kanilang pelikula.
AT 14 ay dalagang-dalaga nang tingnan ang newest Kapuso star na si Kate Lapuz na napapanood every Monday to Friday sa Pyra bilang si Sha-Sha at every Saturday midnight naman sa Walang Tulugan With The Master Showman bilang co-host ni Kuya German Moreno.
Ayon nga kay Kate, gusto nitong makatrabaho sa teleserye ng GMA-7 ang ilang teen actors ng Kapuso Network like Jake Vargas, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, Hiro Peralta, Derrick Monasterio, atbp.
Happy nga raw si Kate dahil bago man siya sa showbiz na almost a month pa lang ay sunud-sunod na kaagad ang kanyang trabahong natatanggap like nakagawa na siya ng indie film, ang Ati, kasama ang kapatid ni Gerald Anderson, Merwyn Abel (3G) at Aldrich Darren at nakapag-guest na rin sa Love Hotline.
Bukod sa acting ay magaling ding umawit si Kate na ang paborito niyang singer ay ang sinasabing look-a-like niyang si Julie Anne San Jose na ayon dito ay sobrang galing kumanta at magaling ding umarte.
PAGBATI: NAIS naming i-congratulate si Roselio “Troy” Balbacal na nanalo bilang pinakabagong halal na kagawad ng Luntal, Tuy, Batangas. Nais din nitong pasalamatan ang lahat ng mga taong bumoto, nagtiwala at sumuporta sa kanyang laban, katulad nina Mayor Jay Cerrado, Mr. Jospeh and Elizabeth Uy ng Double JD Enterprises and Tarpaulin Printing, Dennis Atijera at kay Kapitan Randoll Catapang.
Nais din naming i-congratulate ang daddy at kapatid ng UPGRADE member na si Miggy San Pablo na parehong nanalo, sila ay sina Kapitan Delfin “Dem” San Pablo na nanalong muli at Kagawad Tikboy San Pablo ng Malhacan, Meycauayan , Bulacan.
John’s Point
by John Fontanilla