BLIND ITEM: Ikinapapraning pala these days ng isang sikat na female TV personality ang pagkakadawit ng kanyang pangalan bilang pagsaklolo sa isang problemadong BFF. Sa kanya kasing kapasidad ay binigyan niya umano ng seguridad ang kanyang kaibigan sa pamamagitan ng dalawang kataong magsisilbing mga guwardiya nito, should any untoward incident happen to the latter.
Kinukuwestiyon tuloy ang pagtatalaga ng sikat na personalidad na ‘yon ng mga nasabing tauhan bilang proteksiyon sa kanyang BFF, gayong these security personnel are supposedly under her elder brother’s beck and call.
Kung totoong umupa nga ang tanyag na celebrity na ‘yon ng dalawang tauhan, sa kanyang bulsa ba nanggagaling ang ipinasasahod sa kanila? Minsan na kasing kinuwestiyon ng isang female TV host ang pagbibigay-seguridad ng celebrity na ‘yon sa kanyang BFF on national TV, bagay na inalmahan nito through their common make-up artist.
Da who ang sikat na personalidad na ‘yon? Tulad ng kanyang trademark laughter, CRISPY talaga siya.
MAS KLARO na sa amin ang naging marital setup ng estranged couple na sina Ai-Ai de las Alas at Jed Salang as to which of two had the upper hand in major decision-making. Needless to say, ‘yun ay walang iba kundi si Ai-Ai who—pardon our condescension—ay ‘di hamak na mas paldo ang bulsa kesa sa lakaking pinili niyang pakasalan.
Tulad ng aming isinulat dito, apat na araw mula nang ikasal sina Ai Ai at Jed sa Las Vegas (April 3 roon), kasama ng inyong lingkod ang aming common college friend ng komedyana in a simple celebration of our 51st birthday. Dinaluhan din ‘yon ng mga iba pa naming kaibigan sa kolehiyo.
But prior to that, our common friends (make it plural) had already advised Ai-Ai against marrying Jed. Pero dedma lang ang hitad. Bilang mga kaibigan, the least that they could do was to respect Ai-Ai’s decision.
Ngayon kami mas kumbinsido na si Ai-Ai ang nagmamaniobra ng kanilang relasyon noon ni Jed. Having reportedly set their supposed church wedding in Manila on December 8 this year, malinaw na si Ai-Ai mismo ang nagtakda ng petsang ‘yon as December 8 marks the Feast of the Immaculate Concepcion.
At kilalang aktibo si Ai-Ai sa mga event bilang pananampalataya kay Mama Mary sa tuwing sasapit ang araw na ‘yon. We remember having been invited to a mass in honor of Mama Mary held at the clubhouse of the executive village kung saan nakatira si Ai-Ai many years ago.
Samantala, in lieu of Ai Ai ay ang abogado niyang si Atty. June Ambrosio ang nagsalita sa The Buzz. Nasa proseso na raw ang kampo ni Ai-Ai kung ano ang mga kaukulang kasong maaaring isampa laban kay Jed.
Samantala, Ai-Ai attended a jampacked religious congregation at the PICC nitong Sunday, May 26. Little did the churchgoers know na naroon ang komedyana sa Plenary Hall habang nagde-deliver ng kanyang inspirational talk si Bro. Bo Sanchez.
Humingi ng ilang minuto si Bro. Bo mula sa mga tao as he enjoined them to pray over Ai-Ai, sabay ipinakita sa wide screen ang nakatungong komedyana. Habang pinangungunahan ni Bro. Bo ang pagdarasal, Ai-Ai could not help but shed buckets.
SA AMININ man o hindi ng respective camps nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez—and vice versa—there exists a long-standing silent competition between the two Kapuso stars.
Balitang this June na mag-e-expire ang kontrata ni Richard sa GMA. Kamakailan, nagpatawag ng presscon para sa soon-to-end na teleserye ni Richard who brushed aside persistent talks na posibleng hindi na raw niya i-renew ang kanyang kontrata sa GMA.
Ayon pa sa balita, the actor’s camp is open to options na maaaring sa ABS-CBN o sa TV5 siya tumanggap ng trabaho.
Between Chard and Dong, we are more inclined to believe na mas posible pang sumakabilang-bakod ang kamakaila’y itinanghal na Film Actor of the Year sa 44th Guillermo Awards na si Dingdong. And why?
Dingdong clichéd such award via a Star Cinema project. Hindi lang ‘yun ang kauna-unahang proyekto ni Dong sa film arm ng Kapamilya Network, actually his third.
Also, between the two prized possessions of GMA, currently, si Dong ang walang existing show as opposed to Chard whose teleserye is obviously being wrapped up.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III