DUMAGSA ang maraming tao sa gala screening ng Cinemalaya film na School Service na ginanap sa CCP noong Sunday, Aug. 6. Present ang bida ng movie na si Ai-Ai delas Alas kasama ang ang producer ng BG Productions na si Baby Go at ang direktor ng pelikula na si Direk Louie. May mga namataan din kaming ibang film director who also watched the film.
All praises kay Ai-Ai ang audience ang Cinemalaya audience dahil epektibo nitong nagampanan ang kakaibang role na ayon sa aktres ay hindi pa niya nagagawa sa buong buhay niya. First time ni Ai-Ai na magpakawala ng malulutong na mura sa pelikula.
Panay nga raw ang sori niya sa mga bata after ng kanilang mga eksena dahil sa pagmumura niya. Ipinaliwanag din daw niya nang mabuti sa mga bata na trabaho lang ang ginagawa nila at hindi dapat seryosohin ang kanyang sinasabi.
“Naiintindihan naman nila siguro ’yon, pero nagsosori pa rin ako sa kanila,” saad pa ni Ai-Ai.
Giit pa ng komedyante, malayo rin sa totoong buhay ang karakter na pino-portray niya sa School Service.
“Hindi naman talaga ako palamura. Ayokong nagmumura kasi masama ’yon,” sabi pa niya.
Hindi naman nag-i-expect si Ai-Ai na mananalo siyang best actress sa Cinemalaya this year.
“Ang importante lang naman sa akin ay magustuhan ng tao yung ginawa ko at maipakita ko yung passion ko sa acting. ’Yung award, bonus na lang yan,” she said.
Katulad ng iba, may takeaway ding magandang values ang mga nakapanood ng School Service. Ayon sa kanila, mas nagkaroon sila ng soft spot sa mga pulubing namamalimos sa lansangan. Mas magiging kind na rin daw sila na magbigay at pansinin ang mga kumakatok sa kanilang sasakyan para humingi ng limos.
Sa part naman ni Ai-Ai, naiintindihan na niya raw kung bakit ginagawa ng iba ang mamalimos kaya kadalasan ay may mga nakahanda siyang pagkain sa sasakyan para ibigay sa mga ito.
Samantala, sa kabuuan ay malinaw na nailahad ni Direk Louie ang mensahe na gusto niyang iparating ng pelikula sa mga tao. Maganda rin ang executions ng mga eksena at ang gagaling ng cast.
Palabas ang School Service sa CCP at sa ilang Ayala Mall Cinemas bilang bahagi ng Cinemalaya Film Festival.
La Boka
by Leo Bukas