MAGANDA ANG review ng ilan press na nakapanood ng rashes ng pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Cesar Montano. May action, drama at siyempre ‘di nawala ang kakaiba raw romansang ginawa ng dalawa, kung saan daw nagpaubaya si Ai-Ai na hawakan ni Cezar ang malusog na dibdib ng comedienne sa pelikula.
Well, isa lang ang masasab namin. Good luck! Nakakatakot kasi kapag isang indie film ang ipinalabas sa mga piling-piling sinehan, dahil hindi naman kumikita sa takilya kahit na sabihin na pang-international release ang mga ito. Ang siguradong kumikita sa takilya, ‘yung mga pelikulang mapalad na napasama sa walong entry sa Metro Manila Film Festival.
Kesehodang walang kabuhay-buhay at super corny naman pagdating sa katatawanan ang ibang pelikulang nakapasok sa taunang festival, siguradong kikita ito dahil nakasanayan na ng mga Pinoy na manood ng pelikulang Pilipino tuwing sasapit ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng taunang MMFF.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo