THE WORLD OF showbiz is fascinating. Maaaring namamatay ka na sa pagod at gutom but once the cameras begin to roll, you leave every tired bone and muscle behind. You smile and face the cameras as if nothing happened. Kaya nga sinasabing mayroong dalawang mukha ang showbiz: the crying masked face and the laughing one. Sinasalamin ng mga maskara ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa showbiz at sa buhay ng bawat artista. Sinasabing kahit na anong mangyari sa personal na buhay ng isang artista, anuman ang estado ng kanyang emosyon, the show must go on.
In this business, we smile if asked to, we cry if need be, we scream even if our hearts are is bleeding or we mourn even when we are at our happiest. Ito ang mundo ng showbiz – kung saan ang imposible ay ginagawang posible. Kaya naging puhunan ko sa showbiz ang lakas ng loob, walang patid na dasal sa Diyos at sipag na para bang ang bawat araw ay huling araw na ng mundo.
In my almost 20 years in showbiz, I have met and interviewed all sorts of people. Ang bawat mukha ay may ibang kuwento. Some come and go while others stay.
Pero may mga artista naman na hindi ko man kadugo pero kung ituring ko ay higit pa sa isang kaibigan. Isa na rito si Ai-Ai delas Alas. She fondly calls me Ama gaya ng tawag niya sa akin sa television series na Volta where she played a homemaker and superheroine.
Maaasahan si Aileen sa lahat ng oras. In fact, she was one of the celebrities who participated in the 1st Boy Abunda Badminton Cup (BABC) which was recently held at the Kalayaan Badminton Center. Kahit busy si Aileen sa promotion ng kanyang bagong pelikula na Ang Tanging Pamilya: A Marry-Go-Round with former President Joseph Estrada, Toni Gonzaga, Sam Milby and Mommy Dionisia Pacquiao ay nakisaya pa rin siya sa aming tournament. The movie starts its showing today, November 11, na nagkataong birthday rin ni Aileen.
Aileen is dubbed as the Comedy Concert Queen, Tanging Ina and Comedy Box-Office Queen pero kahit malayo na ang kanyang narating ay mapagkumbaba pa rin siya. She never forgets to thank God for all her blessings and to ask for forgiveness. Aileen is a wonderful woman with a big heart. Lingid siguro sa kaalaman ng marami, she is also active in her charity works.
Ang dami na naming sinuong na laban ni Aileen. May panalo, may talo. Pero nananatili pa rin kaming nakatayo at nakangiti dahil sa bawat laban ay may natututunan kaming magandang aral. At ang importante ay magkasama pa rin kami. Hanggang ngayon, andyan pa rin siya, kaibigan at bahagi ng aking buhay.
Happy Birthday, Aileen!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda