Ai-Ai delas Alas, natupad ang pangarap na makasama si Vic Sotto sa pelikula!

OF ALL the entities and personalities ay na-nguna si Ai-Ai delas Alas in her early Christmas gift-giving as her token of appreciation para sa press. Kung sa bagay, naging tradisyon na ito ng komedyana for many years.

Pero kung kilala si Ai-Ai for acts of benevolence, Christmas or no Christmas, ay kabaligtaran naman ito ng isang manager whose name ay itago na lang natin sa alias na Popeye Caricature. Noong isang taon lang ipinatupad ng hitad ang kanyang salang-salang listahan ng press na pinasasaya niya ‘pag sumasapit ang ganitong okasyon.

This year, Popeye commissioned a fellow manager again to prepare a list of reporters, na ang ending din naman pala ay siya ang may final say kung sino lang ang iimbitahan. May mga reporter kasing markado na kay Popeye, those who have earned the notoriety of attacking his artists in print gayong kaata-atake naman ang ilan sa kanyang mga alaga.

Popeye, however, does not look at this gift-giving season as a period of sharing his blessings, sa halip ay may dinadala siyang galit sa kanyang puso which we hope — God forbid — does not lead to a heart attack.

SPEAKING OF Ai-Ai, she clinched the Best Actress award in last year’s Metro Manila filmfest para sa last instalment ng kanyang Tanging Ina series.

In her acceptance speech, sinabi ni Ai-Ai na kung meron man siyang mahihiling pa, ‘yun ay ang makasama si Vic Sotto in a festival movie. Bossing, who was also an attendee that night, immediately toyed with the idea.

In the beginning of 2011, kinausap daw ng Star Cinema si Vic for a possible tandem with Ai-Ai since their respective festival entries have been consistent box-office hits. Hindi na raw nag-atubili si Vic, hence, their partnership via Enteng Ng Ina Mo which — take note — is only a joint venture between Vic’s M-Zet Productions and Star Cinema kundi namuhunan din ang OctoArts Films at APT Entertainment.

Hindi pa ito ang catch. Early on, binalak na rin ni Ai-Ai to co-produce, kaya aniya, may maliit na porsiyento raw ang kanyang inilagak sa natu-rang pelikula. But when it comes to net profit sharing, nilinaw ni Vic that 50% goes to Star Cinema (kasama ang bakas ni Ai-Ai), and the other half ay paghahatian ng tatlo pang kumpanya.

MAY PAGKAMASELAN ang kuwentong hatid ngayong Lunes ng Face To Face na pinamagatang Kapatid Ko, Mahal Ko… Kapatid Ko, Asawa Ko! Pinapaksa kasi nito ang incest na naganap sa magkapatid na sina Jonathan at Cristina na ang relasyon ay nagbunga pa ng dalawang supling.

Bagama’t tutol ang kanilang inang si Aling Estelita, hindi kinaya ng kanyang powers na paghiwalayin ang kanyang mga anak despite a heavy downpour of emotions. A first on national TV, ang isyung pilit na pinagtatakpan, ikinahihiya at iniiwasang talakayin in any public forum ay walang takot na pagdidiskusyunan ni Amy Perez sa tulong ng Trio Tagapayo sa pangunguna ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta.

Kuwentong alitan sa pagitan naman ng mga beking bugaloo ang sentro ng Ipangalandakan Mo Ang Karakas Ko… Pareho Lang Tayong Bugaw Ng Babae Sa Mga Parokyano! bukas, Martes. Bilang patunay umano ng pimping trade nina Domeng at Teddy, isang girlalu in silhouette interview ang nagbuking na nai-book siya sa isang Koreano.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleGov. ER Ejercito, galit kay Mother Lily Monteverde!
Next articleRegine Velasquez, balik-concert scene kasama si Ogie Alcasid

No posts to display