NAGPAUNA NA ang host at publicist na si Eric John Salut na hindi magtatagal ang aktor at bida ng pelikulang “3POL TROBOL, HULI KA BALBON” sa media conference ng Metro Manila Film Festival 2019 na si Coco Martin dahil may biyahe pa sa ibang bansa ang aktor para sa Kapamilya Network that evening.
He needs to prepare para sa show nila kasama ang ilang mga Kapamilya stars para sa mga kababayan natin doon.
Kaya nga pagdating ni Coco sa venue ng mediacon, pinagkaguluhan na siya kaagad. Very seldom lang kasi name-meet ng media ang actor-director in person na kung walang presscon ay madalang pa sa ulan sa tag-araw nakakaharap ng press si Coco.
Alam ko, dati na siya nagdi-direk sa aksyonserye niya na FPJ’s Ang Probinsyano. Ang alam ko, direktor siya nitong bago niyang filmfest entry na tulad ng dati ay hands-on pa rin siya sa naturang project.
Small but terrible ang tawag ko sa kanya. Artista na humaharap sa harap ng kamera na at the same time ay direktor ng kanyang mga eksena at sa kanyang mga artista. There are times na sa location, may revision pa ang script ni Coco, kakamadahin pa niya ito para maayos ang paglalahad ng kuwento and not to forget, siya din ng producer ng pelikula para sa CCM Productions niya.
Present ang mga major stars ng pelikula. Andun si Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, Sam Milby at Tsong Joey Marquez. Sayang at wala si Edu Manzano na for sure, happy sana kung present si Doods sa kaganapan.
We’ve learned from some of the stars na disiplinado pala si Coco as director at isa na nga rito si Ai Ai. “Always on time siya nagsisimula ng shooting. Walang waiting,” kuwento ni Ai Ai who plays nanay of Coco sa movie.
First time makatrabaho ng komedyante ang aktor-director kaya naman happy siya. “Tama lang dapat prepared lahat pag nagpunta sa shooting para maaga makatapos, maaga nakauwi,” kuwento niya saglit sa amin.
Sa December 22 magaganap ang Parada ng mga Artista na gagawin sa Taguig City. Kumpirmado na bukod kay Coco ay sasali rin sa Parade of Stars si Ai Ai and the rest of the cast.