TULALA habang umiiyak at nanginginig pa ang katawan ni Ai Ai delas Alas nang malamang nanalo siya bilang Best Actress sa Queens Worl Film Festival sa New York City.
Nanalo si Ai Ai sa paggnap niya bilang laos na prostitute sa para sa pelikulang “Area” na produced ng BG Productions International. Hindi naman nakadalo si Ai Ai sa awarding ceremonies.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ai Ai ang naging reaksyon niya nang malaman ang magandang balita.
Aniya, “Napakagandang umaga sa inyong lahat … nagising ako at ito ang balita .. maraming salamat QUEENS WORLD INTERNATIONAL FESTIVAL AWARDS PARA SA PAG KAPANALO KO … pag kagising ko AT sinabi ni gerald natulala ako sabay iyak sabay luhod at umiyak sa pasasalamat AT nanginginig pa katawan ko ( buti wala ako sa nyc kasi baka mahimatay ako d ko din makuha ang award hahah comedy talaga).”
Pinasalamatan din ni Ai Ai sa kanyang post ang producer at direktor ng nasabing indie film, at ibinahgi ang karangalan sa mga kapwa niya nominado sa kategoryang Best Female Actor In A Narrative Feature. Kabilang sa mga nominado para sa nasabing kategorya ang anak ni Robert redford na si Amy Redford .
“Nais kong ibahagi ang award na ito sa aming producer BG PRODUCTIONS tita baby salamat , FERDY LAPuZ , DENNIS EVANGELISTA , at sa lahat ng crew and staff ng BG PRODUCTIONS … sa AMING NAPAKABAIT NA DIREKTOR LOUI IGNACIO . Salamat direk sa pag tyatyaga mo sa first scene nayun kung hindi mo ko tinulungan sa eksena d yung magiging posible.. nais ko i bahagi din sa aking mga co nominated na mga aktres sa ibang bansa …” ani Ai Ai.
Inialay naman ng aktres ang karangalan sa kanyang mga anak na sina Sancho, Shaun, Sophia, at Andrei at sa boyfriend na si Gerald Sibayan na mga inspirasyon niya sa kanyang trabaho.
Sabi ni Ai Ai, “I want to dedicate this award sa mga anak ko SANCHO SHAUN SOPHIA ANDREI.. at kay darl GERALD.. kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko… sa aking pamilya kay MOTHER JUSTA … salamat mama …..at sa lahat ng mga nagmamahal at NAGDASAL PARA SA AKIN … MARAMING MARAMING SALAMAT PO.. And MAMA MARY thank you pinakinggan mo ang HILING ko sayo na ibulong mo sa makapangyarihan mong anak ang mga hiling ng aking puso .. AND TO GOD THE ALMIGHTY , LORD JESUS CHRIST WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIBIGAY NYO … I LOVE YOU PO.”