Ai-Ai delas Alas umaming dumaan sa matinding depresyon: ‘It’s lonely at the top.’

Ai Ai delas Alas

“IT’S LONELY at the top? Totoo ’yon, naranasan ko ’yon.” Ito ang inamin ni Ai-Ai delas Alas sa press nang humarap siya sa presscon ng And Ai Thank You na pinagbibidahan niya.

“Sa tagal ko sa industriya ngayon ko lang na-open itong topic na ito,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa comedy actress, nagsimula siyang makaramdam ng matinding lungkot at depression taong 2001.

“Before Tanging Ina. Nu’ng pagpatak ng mga 2001, doon nag-start lalo na after Tanging Ina,” pagtatapat ng comedy queen.

Patuloy niya, “More of pagod ka sa dami ng ginagawa mo, tapos parang ang daming tao na gusto kang kausapin, tapos wala kang time para sa sarili mo, so na-overwhelm ka.

“I think kaya ka nalulungkot, it’s lonely at the top kasi pagod ka, eh. Tapos, parang lahat sila parang gustong kainin ‘yung buong pagkatao mo. Tapos, wala kang magawa kasi binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na sumikat.”

Komunsulta rin daw siya sa doctor para i-address ang nararamdaman.

“Binigyan ako ng Prozac, pero ‘yung effect sa ‘kin nu’n is nanginginig ako, nahuhulog ‘yung mga bag ko.

“Pag kinakausap mo ako para akong walang pakiramdam. Wala akong emosyon, so sabi ko, ‘Ang pangit, ayoko nito.’ So nag-ano na lang ako, devotion kay Mama Mary at kay Lord,” kuwento pa niya.

Samantala, showing na sa August 14 ang And Ai Thank You na produced ng Horseshoe Studios and Reality Entertainment mula sa direksyon ni Joven Tan.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleCarlo Aquino sasabak sa kauna-unahang solo concert sa Music Museum
Next articleGerard Butler nakipag-collaborate kay Direk Ric Roman Waugh sa ‘Angel Has Fallen’

No posts to display