MAIBABALIK PA kaya ang ningning ni Ai-Ai delas Alas sa showbiz? Kung ako ang tatanungin, isa lang ang sagot ko. Ewan! Walang kasiguraduhan.
Matapos niyang pumirma ng kontrata sa Kapuso Network with matching a couple of shows na gagawin niya sa istasyon, walang makasisiguro kung magkakakulay pa ang mundo niya kesehodang most of her life lately ay naka-focus sa kanyang lovelife (aminin man ng komedyante ito o hindi).
The fact na nangulelat ang mga projects niya tulad nang sa kanila ni Marian Rivera noon at ang sa kanila nina Kim Chiu at Xian Lim na dati naman ay nairaraos ng dalawa ang mga pelikula nila sa box-office at naging hit nang sila lang ang mga bida, ang presence ni Ai-Ai ay nakaapekto sa resulta sa takilya.
Sa totoo lang, nabawasan ang karisma niya lalo pa’t nang magkaroon sila ng tampuhan ni Kris Aquino na aminado ako na malakas ang impluwensya ni Tetay sa madlang pipol. Nakaapekto ito sa popularidad ng komedyante kahit wala namang dikta si Kris na huwag tangkilikin ang dating BFF. Kahit magpasaring si Ai-Ai kay Kris, deadma si Tetay tulad ng pangako sa sarili na never na magre-react sa ano mang lalabas na isyu tungkol sa kanila ng komedyante.
Sa pagiging aktibo muli ni Ai-Ai sa telebisyon at sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA, will Ai-Ai be resurrected?
Sa showbiz, may panahon na malakas ang ratsada mo. Mainit ang pagtangap sa iyo ng madlang pipol pero may hangganan. It’s not for life, ‘ika nga. You are as good as your last project. Kung waley ka sa huli mong TV show or pelikula, don’t expect na hindi maaapektuhan ang future projects mo.
To quote a reporter na dumalo sa contract signing ni Ai-Ai, “Kahit may apat siyang shows sa Kapuso Network, waley na siya, ‘teh. Nabawasan ang ningning ng lola mo. Kung sakaling mapasama man siya sa Wowowin ni Willie (starting May 10), si Kuya Willie nagbabalik pa lang. Ire-revive pa lang ang kasikatan niya noon kung sakali.
“May show raw sila ni Bossing Vic pero parang hindi na uso ang klase ng comedy ni Bossing at nasa retirement age na nga at in love ang lolo mo kay Pauleen, at ito na lang yata ang pagdidiskitahan niya. Papaano ang pagbabalik ni Ai-Ai sa telebisyon? Hindi porke’t may apat kang show ay secured ka na? Remember, not all shows nagre-rate. Ang daming artista na kaliwa’t kanan ang mga shows pero walang impact.
“Dapat may realization na rin na ang kinang ng artista ay hindi panghabambuhay at kadalasan, sa kalagitnaan ng inaasahan nila ay biglang nawawala ang karisma for reasons na kung minsan alam nila, pero ayaw nilang tangapin,” opinyon niya tungkol sa pagpusyaw ni Ai Ai.
Sa huling concert sana ni Ai-Ai with Richard Yap sa Solaire Casino na hindi natuloy (na may kapalpakan ang show producer), aminin man ni Ai-Ai o hindi na ang ticket sales ang major reason kung bakit na-cancel ang show.
Hopefully, sa muling paglabas niya sa telebisyon ay may bago. ‘Yong may pambulaga sana siya na tulad noon, kinaaaliwan ang komedya niya at hindi mo sasabihin na “boom panis” na.
Sayang si Ai-Ai, minsan na rin niya kaming napatawa and hopefully, hindi ito nahinto at naubusan na ang balon ng galing at dahilan kung bakit siya napag-iwanan na.
Reyted K
By RK VillaCorta