Ai-Ai delas Alas, walang kadala-dala!

BLIND ITEM: Isang taon nang hindi umuuwi sa kanilang probinsiya ang isang TV host-actress (TVHA) na ito. Ang dahilan: nabubuwisit lang kasi siya sa kanyang mabisyong ina.

Whence before she would pay her mom regular visits, ngayon ay pinadadalhan na lang niya ito ng buwanang sustento na aabot sa mahigit sampung libong piso. Suko na kasi ang TVHA sa pagiging talamak na sugarol ng ina, ultimo kaliwa’t kanan na utang nito ay siya pa ang sumasalo.

“Nakakasawa na rin kasi, eh,” himutok niya, “Dati, binigyan ko na siya ng puhunan sa tindahan, mga singkuwenta mil din ‘yon. Ending, na-bankrupt kakasugal niya! TapoS, ‘yung ipinadadala ko, ipinangsusugal niya. ‘Pag naubos, nagkakandautang-utang, ako pa rin ang tagabayad. Kaya sabi ko sa kanya, dadalawin ko lang siya kapag nagbago na siya.”

Pero bilang anak, anuman daw ang diperensiya ng ina’y hindi naman niya ‘yon kayang tikisin.

Da who ang TVHA na ito? Itago na lang natin siya sa pangalang Alyanna Alinio.

AI-AI DE las Alas’s well-meaning non-showbiz friends were right all along.

Even during the planning stage ng pagpapakasal ng komedyana sa kanyang non-showbiz boyfriend—na natuloy nga noong April 3 sa US—ay may mga agam-agam na ang kanyang mga kaibigan. This is the circle of friends that Ai-Ai has kept through the years, who bear witness to her lovelife mula’t mula pa.

How desperate nga ba was Ai-Ai para agarin ang wedding when it could wait until such time she was 100% sure of what she was actually getting into? After all, nasanay na naman daw si Ai-Ai sa pakikipagrelasyon—all of which obviously failed for one reason or another—without such legalities nor formalities.

Then came last Friday the disturbing news about this brand-new marriage torn apart in no time at all! Imagine, ikinasal sina Ai-Ai at Jed noong April 3 only to see their marriage go through the symptoms of an imminent  separation sa unang linggo lang ng buwan ng Mayo?

Funny, nito lang naglalabasan out of what seems like a Pandora’s box ang mga bahong itinatago ni Jed tulad ng pagkakaroon nito ng asawa’t anak, ng nabuntis umanong ex-girlfriend at ng pagkagumon nito sa sugal.

Wasn’t Ai-Ai privy to all this all along? Because if she was, hindi na sana niya pinakasalan si Jed. Hindi na rin sana itinakda ang kanilang church wedding this December.

Personally, we feel for Ai-Ai if only for this yoke she’s heavily saddled with. Our friendship dates back noong nasa kolehiyo pa kami, young  and free-spirited  as we were, the lovelife we knew was nothing more complicated than this.

Hindi naman siguro isang uri ng pagkakanulo sa isang kaibigan kung walang takot naming sasabihin… Ai-Ai hasn’t learned her lesson.

ENOUGH OF playing little girls who grow to be the adult lead stars in soap operas.

Indeed, dumating na ang tamang panahon para kay Andrea Brillantes to slip into a child character from beginning to end of the story. Andrea gets the plum role bilang Annaliza, ang aabangang teleserye sa ABS-CBN that premieres on May 27.

Goodbye to her character in Sabel and Paraiso as the young Jessy Mendiola, in Ina, Kapatid, Anak as the young Kim Chui and in Kahit Puso’y Masugatan as the young Andi Eigenmann. Proudly, Andrea—all throughout—appears in a soap where she competes with nobody but herself.

Kapansin-pansin sa nasabing primetime teleserye ang kokonting sikat na cast members tulad nina Zanjoe Marudo, Patrick Garcia at Carlo Aquino, the rest are a bunch of newbies waiting for their stars to shine.

Ang Annaliza ay mula sa pinagsanib na direksiyon nina Theodore Boborol at Cathy Camarillo sa ilalim ng pangangasiwa ng bagong itinalagang Business Unit Head ng ABS-CBN na si Ruel S. Bayani, himself a prolific director.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa pananakit sa kanyang ina
Pangay ni Ai-Ai delas Alas, gustong gantihan si Jed Salang!
Next articleMichael V., nagsuplado sa mga kababayan sa Amerika!

No posts to display