BARELY A YEAR from now, may mga luma at bago ring mamumuno ng ating bansa, tulad na lang sa hanay ng pagka-bise
presidente. Of the incumbents, matunog ang mga pangalan nina Senators Loren Legarda at Kiko Pangilinan.
Nasa paligsahan din ng naturang posisyon si dating Senator Tito Sotto at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Dalawa sa apat na ito ang itinuturing ni Ai-Ai de las Alas na malapit sa kanyang puso: si Kiko na asawa ng kanyang BFF
na si Sharon Cuneta at si Ate Vi, her lifelong idol.
Over late dinner in her posh Ayala Estates residence kasama ang kumpareng si Ogie Diaz Monday night, naitanong
namin kay Ai-Ai kung alin sa kandidatura nina Ate Vi at Kiko ang kanyang susuportahan. Long silence ensued,
saka bumanat ang Comedy Concert Queen.
“Kung hindi tatakbo si Ate Vi, I’ll support Kiko. Pero ‘pag tumakbo si Ate Vi, siyempre du’n ako sa idol ko. Noon
pa naman, sinabi ko na kay Ate Vi na kapag kumandidato siya, ikakampanya ko siya. At willing akong gawin ‘yon nang
libre, kumbaga for the love. Hindi lang kasi ‘yung pagiging Vilmanian ko ang umiiral, eh, bilib talaga ako kung paano
niya pinamumunuan ang Batangas,” sey ni Ai-Ai who traces her roots to San Luis, Batangas.
At this juncture, may kuwentong ibinahagi si Ogie tungkol sa transaksiyong mismong nasaksihan niya. Karay-karay
raw si Ogie ni Roderick Paulate to a business meeting between Ate Vi and a contractor. Abut-abot daw ang pasasalamat
ng negosyanteng ka-deal ng noo’y Lipa City Mayor pang aktres-pulitiko dahil mabilis naaprubahan ang business
proposal nito.
As a token of gratitude, the businessman made a tempting (monetary) offer. Flatly, however, tinanggihan daw ‘yon ni
Ate Vi who politely told the person: “Huwag na, hindi natin pag-uusapan ‘yan, basta magbayad na lang kayo ng
tamang buwis.”
Ilan pa kaya ang mga ganitong pulitiko in our midst, na hindi nabubulag ng pera, pabor o pabuya? Well, isa na rito si
Vice Vi, este Gov pa pala.
DEEJAY DURANO IS to Wenn Deramas as Jim Pebangco is to Joel Lamangan. No malice intended, pero laging
“package deal” ang tandem nila both on TV and in movies. Mga lucky charms din naman kasi ang mga alaga ng
dalawang direktor whose inclusion in their respective assignments translates to ratings and revenues.
Sa kaso ni Deejay, there’s this equally big part within his creative system na nais niyang ipagmalaki bukod sa
kanyang husay sa pag-arte: singing. A friend from way back, Deejay has yet to fulfill his long-cherished dream
as a singer.
“Siguro naman, I’ve proven myself worthy to be called an actor, gusto ko rin namang makilala bilang singer,”
sey ni Deejay na may imbitasyon na rin pala mula kay Ogie Alcasid to guest on GMA 7’s SOP, the kind of
program he can’t wait to be part of to showcase his singing talent.
SOP? Eh, paano na ang mga programang nilalabasan ni Deejay sa ABS-CBN, does it mean magluluksong-
bakod siya sa Kapuso network?
Dalawang magkatunog na tanong: WHEN at WENN?
PEPPERONI/ By Ronnie Carrasco III