KASABAY NG concert ng American Idol last Friday night sa Smart Araneta, nasa Gateway Mall naman kami at nanood ng sine.
Kapag Friday night kasi, with our hectic schedule, we see to it that watching a movie and a little malling is a diversion sa trabaho naming sa travel industry.
Aside from writing again sa showbiz, we run an online travel agency called World 360 Travel Consultancy (join us on Facebook).
Writing in showbiz is just a sideline at the moment.
Anyway, kuwento sa amin ng kaibigang Jobert Sucaldito who we bumped into early morning of Saturday at Zirkho Morato, super dami raw ng tao ang nanonood.
Talagang inabangan ng mga Pinoy ang pagdating ng mga AI finalists lalo na ang kababayan natin na si Jessica Sanchez.
Kuwento ni Jobertita (that’s my term of endearment with Jobert) hiyawan ang mg tao at super lakas ng palakpakan ng tawagin ang pangalan ni Jessica on stage.
Pero as star of the show, si Philipp Philipps talaga ang star na star na huling tinawag sa mga nag-perform. Kumbaga, dahil siya ang winner, siya ang last to be called on stage to perform.
‘Di magkamayaw ang mga tao na nag-enjoy sa performance ng AI talents that night.
On the other hand, pinanood namin ang horror film na Pridyider ng Regal Films.
In fairness, mas matino naman ang pelikulang ito kaysa sa huling horror-suspense movie ng Regal na Guni-Guni na pinagbidahan ni Lovi Poe.
Sa totoo lang, ang galing ni Janice de Belen sa pelikula who played Andi Eigenmann’s mom.
Mahilig kami sa mga horror-suspense movies. Halos lahat ng mga pelikula (locally produced and foreign films) na ganito ang tema ay hindi namin pinalalampas.
Kaya sa nalalapit na pagpapalabas ng “super high-tech” na pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles staring Dingdong Dantes, excited kami dahi sa trailer pa lang ay impress na kami.
Totoo ba na almost 80 Million ang ginastos sa nasabing obra ni Erik Matti?
Very foreign kasi ang dating ng movie. Makinis. Lalong pinaganda ang background sa galing ng technical knowledge ng mga production people involved sa pelikula.
Kuwento nga ni Rose Garcia, publicist ni Dingdong: “Mas mabusisi ang movie dahil may animation.”
Last Friday, aside from Pridyider, pinanood din naman sa last screening ang Ruby Sparks, isang love story na kakaiba kung saan kabilang sa pelikula sina Annette Bening at Antonio Banderas.
Kuwento ng isang writer-novelist na ang babaeng karakter sa librong sinusulat niya ay naging makatotohanan na na-involved siya romantically.
It’s a feel good film na sa mga mahihilig sa mga light romance films, I’m sure mae-enjoy ninyo ang pelikula.
LAST NIGHT, I was invited sa last performance ng Bona sa PETA.
Based sa text invitation ng entertainment writer na si Mell Navarro; Nora Aunor and Philip Salvador will be present para sa parangal na ibibigay ng PETA sa kanila (I really don’t know kung ano ang relasyon ng dalawang artista who played the main character sa pelikula in the 80’s) sa stage play version gayong si Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman naman ang mga stage performers sa entablado na dinirek ni Soxy Topacio.
I will write about the Sunday event on our Wednesday column.
SERYOSO BA si Ate Gay (ang clone and spoof character ni Nora Aunor) sa concert niya sa Araneta Coliseum?
Kapag napapanood namin siya na nagpo-promote, parang siya mismo hindi makapaniwala na magsi-show siya sa The Big Dome.
Word of advice sa komedyante, if your serious na mag-show at pasukin ka ng publiko, seryosohin mo naman ang pag-iimbita sa kanila.
Ang dating kasi sa amin, parang you’re just doing an act at isang playtime lang ang show na ‘yan sa Araneta.
Reyted K
By RK VillaCorta