Blooming at laging inspired daw magtrabaho ngayon ang former member ng La Diva at regular na napanonood sa “Eat… Bulaga!” na si Aicelle Santos.
Ang dahilan daw ng pagiging everyday happy at blooming ng Rock N’ Soul Diva na si Aicelle ay ang Kapuso reporter na si Mark Zambrano na lagi raw napagkikitang kasama nito.
Kahit nga wala pang anunsiyo mula kina Aicelle Santos at Mark kaugnay ng kanilang relasyon, marami-rami na ring nakaaalam nito at happy sila para sa dalawa.
Sylvia Sanchez, proud mommy kina Arjo Atayde at Ria Atayde
SUPER PROUD mommy raw ang mahusay na actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na katulad niya ay may angking galing din sa pag-arte.
Isa pa raw sa ikinapa-proud ni Ms. Sylvia ay ang magagandang salitang namumutawi sa mga labi ng mga taong nakatatrabaho ng mga anak. Halos lahat ng mga nakatrabaho ng mga ito ay nagsasabi kay Ms. Sylvia kung gaano kabait at marespeto sina Arjo at Ria, at kung gaano kahusay umarte ang mga ito. Nakuha raw ng mga ito ang pagiging magiliw at mabait sa mga nakatatrabaho mula sa kanilang ina at ang husay nito sa pag-arte.
Para kay Ms. Sylvia, masarap pakinggan para sa isang ina na mapuri ang mga anak, lalo na’t parehong industriya ang kanilang ginagalawan.
Kaya naman daw laging pinapayuhan ni Ms. Sylvia sina Arjo at Ria na maging mabait, magalang, at panatilihin ang pagiging propesyunal sa trabaho nang sa ganu’n ay mas maraming tao sa loob ng industriya ang magmamahal sa kanila at mas maraming proyekto ang dumating.
Negosyo ni Joel Cruz, bumebenta na sa international market
ANG PAGPUNTA sa iba’t ibang bansa raw ang isa sa pinagkakaabalahan ng tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz at ito ay para tingnan at bisitahin ang mga bansang available na ang Aficionado Germany Perfume.
Hindi na nga lang sa Pilipinas sikat na sikat ang kanyang pabango, dahil global na rin ito. Kaya nga raw dito nakatutok ngayon si Sir Joel. Gusto kasi niong nitong maging maganda ang impression ng mga kausap niyang businessman mula sa iba’t ibang bansa.
Kaya naman daw tuloy tuloy na talaga ang pagpasok ng Aficionado Germany Perfume sa international market kung kaya’t mas maraming tao pa ang mabibigyan ng trabaho at matutulungan ni Sir Joel.
John’s Point
by John Fontanilla