Aicelle Santos, tinodo ang pagiging kerengkeng sa “Ang Larawan”

Aicelle Santos

AICELLE SANTOS is one of the versatile performers in the country today. Kung sa telebisyon ay medyo ‘stuck’ sa panghapong teleserye ang beauty ng dalaga, sa stage naman ay nangangabog ito. Werpa kung werpa! Saksi na d’yan ang mga nakanood Rak of Aegis at Katy The Musical.

Kaya nakakatuwang mapanood ang Kapuso performer sa historical-musical film na “Ang Larawan”, na ipapalabas na ngayong pasko bilang parte ng Metro Manila Film Festival.

Kung ang mga bida ng pelikula na sina Joanna Ampil at Rachel Alejandro ay kinarir ang pagiging matandang dalaga na laging serious mode on, ang karakter naman nina Aicelle Santos bilang Violet at Cris Villionco bilang Susan ang nagbigay ng kaharutan at kakikayan bilang mga “kerengkeng” girls na habol ng habol sa guwapong pianista na si Tony Javier (played by Paulo Avelino). Ilang eksena lang ang nilabasan nila, pero markado ang kanilang pagganap. Kerengkeng pa more!

Nakakatuwang pagmasdan ang cast and crew ng “Ang Larawan” sa ginanap na advanced screening and press conference noong nakaraang Huwebes (December 7) dahil kitang-kita moa ng dedikasyon at pagmamahal ng bawat isa sa proyekto. Iba ang bonding nila. Halata mo na its not just work. Passion ang mas nanaig dito.

Ayon kay Celeste Legaspi na isa sa producers at cast members ng pelikula at original play, dugo’t pawis ang ipinuhunan nila sa “Ang Larawan” at ilang taon din ang iginugol nila para rito. Hindi sila umaasa na maging #1 sa takilya, pero hoping ang lahat na kumita ng bongga ang pelikula. Kung maging okay ang turn out, lalo silang maeenganyo na mag-produce pa ng movie versions ng ilan sa mga Pinoy stage plays na nagawa nila noon.

Kung sakali, tingin namin ay bagay kay Aicelle na gawin ang movie version ng Katy! The Musical para makilala rin ng bagong henerasyon ang sikat na jazz singer noong araw na si Katy dela Cruz. Aminin niyo – halos wala sa bagong henerasyon ang nakakakilala sa kanya. Time na rin siguro na kahit ang mga iconic heroes natin sa larangan ng sining naman ang ipakilala sa mga bagets. Why not, ‘di ba? Kaya sugod na agad sa sinehan at suportahan ang larawan sa darating na pasko!  

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous article“Unexpectedly Yours” nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, iba ang kilig na ipinadama sa manonood!
Next articlePelikula ni FPJ na “Ang Panday”, akma na kay Coco Martin ipinamana

No posts to display