NAG-SUBMIT NA SI Aiko Melendez ng kanyang counter-affidavit sa kasong Libel na isinampa nina Mayor Patrick Meneses at Mayor Enrico Roque laban sa kanya at sa iba pang reporter kasama na riyan si Ogie Diaz.
Ang nakasaad daw sa affidavit na ‘yun, hinihi-ling nilang ibasura ang naturang kaso dahil wala naman daw itong basehan.
Kasama ni Aiko na nag-file ay si Ogie na gusto na rin sanang matapos ang kasong ito.
Naloloka lang si Ogie dahil bakit daw siya nadadamay sa kasong ‘yun eh, wala naman daw siyang ginagawa o sinabi laban kay Mayor Patrick na kumpare pa naman niya.
Kung puwede lang gusto nga raw ni Ogie na maayos na ito dahil personal naman na away ito.
Sa totoo lang, ang pangit ngang palakihin pa ito dahil away naman ni-lang mag-boyfriend iyan.
Tama nga namang maayos na ‘yun out of court dahil ang sagwa na dati kayong nagmamahalan, ngayon nagdedemandahan na.
Ako naman, ang concern ko riyan, ang bestfriend kong si Mayor Enrico Roque, dahil wala siyang kamalay-malay, nadamay siya sa gulong iyan.
Ang alam ko nag-file din si Aiko ng TRO laban kay Mayor Patrick. Hindi ko na alam kung ano ang nakapaloob sa TRO na ‘yun.
ANG TINDI NG labanan nu’ng kamakalawa ng gabi dahil nagsimula na ang Amaya ni Marian Rivera.
Maganda ang pagsisimula nito at mukhang marami pang magaganap lalo na kapag lumabas na si Marian.
Pero lalo namang pinaganda ng ABS-CBN 2 ang primetime series nila kaya tiyak na nalilito na ang mga manonood kung alin ang panonoorin nila.
Siyempre, hindi ko naman puwedeng iwan ang Minsan Lang Kita Iibigin, dahil talagang sinusubaybayan ko iyan. Pero paborito ko rin si Marian kaya sinisilip ko rin ang bago niyang epicserye.
Hindi ko nakuha ang ratings pero marami tayong aabangan dahil nagsimula na rin nu’ng Lunes sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7 ang Sisid ni Jackie Rice.
Mukhang susubaybayan din ito lalo na’t may pagka-sexy itong bagong drama series na ito.
Sa Dos naman, aabangan din kung magiging sexy ang mga kalahok sa The Biggest Loser Pinoy Edition ni Sharon Cuneta.
Hay, naku! Kaya lalong tumitindi ang labanan sa TV dahil ang gaganda na ng mga napapanood.
Lalo namang pinalakas ng GMA-7 ang Dramarama sa Hapon nila.
Sa pagtatapos ng Nita Negrita, pinaghahandaan na rin ngayon ang ipapalit dito na bagong drama series nina Dennis Trillo at Bianca King na Sen-tensyada.
Ang dinig ko papalitan na raw ang title nito pero hindi pa napagkasunduan kung ano na talaga, basta hindi na ito Sentensyada.
Nu’ng kamakalawa naman, nag-story confe-rence na ang bagong serye namang ipapalit sa Magic Palayok. Ito ‘yung Footbulilits na tampok naman sina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago.
Mga bagong aabangan ito sa GMA-7.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis