HINDI NA kami masa-shock kung eventually, magkakabalikan sina Jomari Yllana at Aiko Melendez. Sa mga ipino-post lang na photos ni Aiko sa kanyang twitter account at instagram account ay para silang bumabalik sa magsyota moment.
Sumama ang mag-iinang Aiko, Marthena at Andrei sa probinsiya nina Jomari sa Bicol at nagka-bonding-bandingan moments sila roon kasama sina Mommy Vicki Yllana at Mommy Elsie Blardony (ina ni Aiko).
Ang istorya ng pag-iibigan, marriage, hiwalayan na nauwi rin sa friendship ang isa sa mga featured stories ng Showbiz Inside Report bukas, pagkatapos ng It’s Showtime.
Sa mga mag-asawang nagkahiwalay at nananatiling magkaibigan sa mata ng kanilang mga anak, this episode is for you!
ACCORDING TO ex-husband Joey Marquez, tuloy na tuloy na si Alma Moreno sa pagtakbo bilang senador sa 2013 elections. Ewan lang namin kung saang partido aanib si Ness.
‘Yung iba, maaga pa lang ay hinuhusgahan na agad si Ness. Pero isang halimbawa niyan ay si Lito Lapid na naging Senador sa pangalawang termino at si Isko Moreno na Vice Mayor ng Maynila ngayon.
Sino nga ba ang puwedeng kumuwestiyon?
Porke salat sa college degree? Porke hindi masyadong magaling mag-Ingles, hindi na qualified? Eh, pa’no ‘yung nako-convict pang mga Inglisero at ilang degree pa ang tinapos? Ano ‘yon, mataas ang pinag-aralan, pero nakalimutan lang maging honest?
Pero sabi ng aming co-host sa Showbiz Inside Report na si Tsong Joey, “Basta kung ano ang gusto ni Ness, suportahan ko pa rin. Nanay pa rin ‘yan ng mga anak ko!”
Kami naman, sa totoo lang, kilala naming sobrang matulungin sa kanyang kapwa si Ness. To a point nga na inaabuso na siya ng mga natutulungan niya. ‘Yung iba lang naman.
Pero sino ba’ng makapagsasabi kung sino ang qualified tumakbo at maglingkod gayong ang daming mga Inglisero at may sinasabi ang nako-convict pa mandin?
BIGLA NAMING naalala si Lito Lapid na ‘pag siya na ang nagsasalita sa session hall, lahat ng tenga at mata, nakatuon sa kanya.
Uumpisahan ni Sen. Lapid ng mga litanyang, “High school graduate lang po ako. Hindi po ako magaling mag-Ingles, pero ang puso ko po ay para sa bayan, blah-blah-blah!”
Du’n pa lang, kuha na ni Sen. Lapid ang masa, eh. Na siyang masisipag bumoto. At karamihang nagluklok kay Sen. Lapid sa puwesto.
Pero look, sabi nga ni Sen. Gordon, buti pa raw si Lito Lapid, may naipasang batas, pero ang Presidente ng Pilipinas, si P-Noy, wala.
Ang mga proposed bills ni Sen. Lito Lapid ay ang mga sumusunod: Meat Labelling Act of 2011; Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act; Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at ang Adopt-A-Wildlife Species Act.
At ang kauna-unahang batas na naipasa ni Sen. Lito Lapid ay ang Free Legal Assitance Act of 2010.
Oh My G!
by Ogie Diaz