KAHIT BINUBUYO PA si Aiko Melendez na pumayag nang makipag-kissing scene sa dating asawang si Jomari Yllana ay hindi pa rin siya napahinuhod. (Napahinuhod daw, o!)
“Nako, tama nang nagkasama kami ni Jom. Sa mata ng anak namin, masaya na siya na friends ang parents niya. Saka siyempre, me magagalit sa side ko, di ba? Baka me magalit din sa side niya, mahirap na.
“Cool naman kami sa set ng movie, eh,” refering sa movie na ginagawa nina Michael V at Ogie Alcasid kung saan sila ni Jom ang parents ni Angelina (played by Ogie).
Eh, kung wala siyang boyfriend kunwari? Payag na ba siya?
“Pag-iisipan ko. Kasi siyempre, public servant din ako, Mother, ‘no! Parang pass na muna ako diyan!”
Si Ara Mina raw, tatakbong Konsehala sa second district ng Quezon City, ah?
“Anybody naman for that matter can run, eh. Basta gusto mong maglingkod, puwede.”
Feeling ba niya, si Ara Mina, me kapasidad?
“Bakit naman hindi, ‘di ba? Alam naman niya siguro kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay kung sakaling ma-elect siya, so let’s give her a chance!”
Eh, tatakbo ring Konsehal ang kapatid niyang si Angelo, di ba?
“Anim naman ang konsehal na kailangan, so walang isyu du’n. May the best man win, sabi nga!”
TAMA BA ANG dinig namin na tintuturuan daw ni Rosanna Roces uminom ng beer ang kanyang apong si Budoy? ‘Yun daw kasi ang kuwento nu’ng bata sa mga yaya.
Kung totoo ngang may gano’ng sinabi ang three-year old na bagets, sino kaya sa kanila ni Osang ang paniniwalaan ng publiko sakaling magdenay ang Lola Osang?
Pati daw ang stillnox na iniinom ni Osang para makatulog ay totoo ba? Ine-explain na at this early ni Osang sa bata ang “halaga” ng stillnox sa buhay niya?
Kung totoo mang lahat ito ay malungkot na pangitain ito sa bata, sa totoo lang. Kung ang mga anak niya’y mas piniling mag-asawa nang maaga o magkaroon ng anak kesa mag-aral, sana’y pangarapin naman ni Osang sa sarili niyang apo na sana’y makatapos ito ng pag-aaral.
Hindi lisensiya ang pagiging “cool lola” niya para maintindihan siya ng mga tao. Siguro nga, kaya pinili na lang ni Grace, ng anak niya, na du’n na muna sa mga Revilla ang kanyang anak, dahil alam nitong hindi maghahangad ng kasamaan sa anak nila ni Jolo ang mga lolo at lola ni Budoy.
Honestly, kami’y umaasa pa rin na sana, isang araw ay isang bagong Rosanna Roces na ang bumulaga sa atin na mamahalin na ng publiko, lalo na ni Ate Lolit Solis.
Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM Station at marirnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn
Oh My G! by Ogie Diaz