KUNG DIYOSA SA buong mundo ang tingin ni Bulacan Mayor Patrick Meneses kay Aiko Melendez, the actress-politician must be the Pinoy counterpart of Venus (Roman) and Aphrodite (Greek)!
Kaya nga confident nga raw si Aiko na faithful sa kanya ang kanyang dyowa. But this is not the catch: kahit sure na sure na raw ang aktres sa kanyang feelings for Pat, tying the knot is not likely a possibility in the near future.
“Two years pa lang kami ni Pat, there’s so much more to discover about each other. Besides, nag-e-enjoy ako bilang single,” sey ni Aiko. Mas na-reinforce pa raw ang kanyang no-wedding-bells stance base na rin sa kanyang dalawang failed marriages: kay Jomari Yllana at Martin Jikhain.
“Masyado kasi akong nagmadali noon. I thought that was it, pero hindi pala. But no regrets,” sey pa ng aktres who’s a proud friend to her both exes.
Pangarap Kong Jackpot, hindi mapapanood
TRIVIA: ANONG pelikula ang walang commercial run? For sure, ang nagsusumigaw n’yong sagot: Wala! Pero meron! Sagot: Pangarap Kong Jackpot Trilogy.
Ows, hindi ito mapapanood commercially? You read it. A joint project of the PCSO and Golden Lions Films, nagpabongga lang ang mga taong nasa likod nito when it laid a red carpet on its premiere night last Friday at SM Cinema 10.
Dinig ko, for corporate selling ang naturang pelikula, kung saan ang tatlong kuwentong Hawak Kita, Hawak Mo ‘Ko; Sa Ngalan ng Busabos at Hiwaga ni Lolo Hugo ay nagbibigay ng pag-asa sa bawat Pinoy na nais guminhawa ang buhay sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto o sweepstakes.
Pero siyempre, huwag din nating iasa ang ating buhay sa suwerte, ‘no! Dahil ang totoong masuwerte ay ang masikap sa buhay, ‘di ba, Tita Swarding?
Read Ronnie Carasco’s Blind Item: Bagong talent, pumatol sa bakla?!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III