Aiko Melendez at Carmina Villaroel, magsasalpukan sa indie

Aiko-Melendez-Carmina-VillaroelMATAGAL NANG gustong gumawa ni Aiko Melendez ng indie film kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa nang alukin siya para sa Asintado, isang indie film directed by Louie Ignacio with Gabby Eigenmann and Rochelle Pangilinan. Lead actress si Aiko at pang-award ang role niya.

Kung matutuloy, makakalaban ni Aiko si Carmina Villaroel sa best actress category kapag tinanggap nito ang Mariquina na tinanggihan ni Judy Ann Santos. Kapwa pasok sa New Breed category ng Cinemalaya 2014 ang movie nila.

Ang saya-saya dahil aktibo rin sa movies ang isa pa nilang kasabayan, si Ruffa Guttierez. Kontrabida siya ni Sarah sa Maybe This Time. Kontrabida rin siya sa huling pelikula niya , ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda.

Sabi ni Ruffa, kahit kontrabida ay happy siya to be working with Coco and Sarah na mga young superstars of today.

Kelan naman kaya ulit siya mabibigyan ng lead role, anoh?

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleDirek Maryo J. delos Reyes, may bagong obra sa TV
Next articleMarian Rivera, sasabak sa dance show

No posts to display