KAHIT NGA busy na sa kanyang showbiz career, bukas pa rin daw sa idea na muling tumakbo sa pagka-konsehal sa Distrito 2 ng Quezon City si Aiko Melendez. Tsika nga nito, “I’m not closing my doors for that opportunity to run again and to serve Quezon City. I’m just looking for a perfect timing and a sign for God , whether I should run or not. Pero if tatakbo ulit ako, I will run for Council. For councilor again, same district (District 2).”
As early as now nga raw, may mga kumukumbinsi na kay Aiko para sumama sa kanilang partido.
“Meron na, pero I don’t want to commit yet. Kasi nga, kasi meron akong mga naoohang trabaho. Kasi nu’ng nasa politics ako, nawalan talaga ako ng oras sa showbiz. Kasi ganu’n ako eh, when I want something, ibinibigay ko ‘yung 100% ko du’n, ayoko ng hati. So ngayon, ‘yung desisyon na hinihintay ko, kung okey ba o hindi?”
At if ever daw na mananalo muli bilang councilor si Aiko, willing ulit itong mag-lie low sa showbiz at mas tututukan ang pagseserbisyo sa kanyang kababayan sa District 2 ng Quezon City.
“Magla-lie low na aman ako, one has to take a back sit or hindi ganu’n ka-active. Kasi mahirap na pagsabayin ang showbiz at politics. Kasi one would suffer eh. Ngayon sa public service, ‘di ba, hindi naman porke’t artista ka, mananalo ka? Sa mga nangyayaring precedent sa mga senator ngayon, mas titingnan nila kung ano ba ‘yung nagagawa mo o gagawin mo para iboto ka or kapag nakaupo ka na. Mas malaki pa rin ‘yung timbang ng mga gagawin mo sa distrito mo at mga gagawin mo pang maganda para sa kababayan mo. I’m lucky to able to finish my 3 terms as a councilor. So, the people cannot question that anymore, na wala akong nagawa for QC. Kaya lang ang dami ko kasing kailangang i-consider.”
Dagdadag pa nito na ipinapasa-Diyos na lang niya if babalik ba siya sa pulitika o mananatili na lang sa showbiz.
“That’s what I’m praying for. And if that’s God answer for my prayer, I don’t have the right not to obey. Bahala na siguro if anong gusto para sa akin ni God, let’s see! I’m still waiting naman for God’s sign,” pagtatapos ni Aiko.
John’s Point
by John Fontanilla