USAPAN ITO NA narinig ng Starstruck Batch V avenger na si Sef Cadayona between Rocco Nacino and talent manager Leo Dominguez. In case, the name sounds Greek to you, si Leo ang manager ng hindi-na-niya-napasikat-muling si Snooky Serna na for a while ay nagpalit ng pangalan only to be renamed again (pardon my redundancy) Snooky Serna!
Leo: Rocco, nasa Startalk ka na rin pala?
Rocco: Opo.
Leo: Naku, umalis ka na sa Startalk, mawawalan ka ng career du’n.
End of conversation. Pero ito ang simula ng bira namin kay Leo. Gusto ko lang itanong kay Leo, who never made it to being one of the top managers, kung ano ang basis niya sa pagsasabing mawawalan ng career si Rocco, or any artist for that matter. Nagkaroon ba ng isa sa mga alaga niya ng trabaho sa Startalk whose career went pffft? Si Snooky ba, galing ng Startalk? Nag-guest one time, oo, wala pa sa sarili!
Bale ba, nu’ng mabalitaan namin ang tinurang ‘yon ni Leo, exactly a week ago ay nakita ko pa siya sa fourth floor ng GMA Annex building for Lovi Poe’s story conference. We even spent several minutes of tsikahan, gayong alam naman niyang taga-Startalk kami. Ano ‘yon, a simple case of pamamlastik?!
Does Leo have an axe to grind against Startalk? If so, was there an incident in the past na nasaktan siya ng programa o sinuman sa mga alaga niya? Bakit ang number one niyang alagang si Ogie Alcasid is oh-so-sweet to the program staff? Lest this incompetent manager forget, buhay na halimbawa si Lolit Solis who has been with Startalk since Day One, and will still be with the show until it marks its 15th year this October, ‘yun ba ang minalas ang career?
Kesa gumanap na prophet of doom si Leo, atupagin muna niyang asikasuhin ang career ni Snooky na kaya hindi rin umusad-usad ay dahil sa kanyang management style! Or better yet, Leo should re-examine kung ano na nga ba ang narating niya sa pagma-manage to be able to tell a flourishing career from a career slumped on the floor!
Hindi kaya it’s politically correct lang to say that Leo and Snooky deserve each other? Tamaaaah!
TALK ABOUT LEGITIMATE artist managers, no less than si Kuya Boy Abunda lang naman ang nagbigay ng basbas kay Aiko Melendez na sunggaban ang papel bilang ina ni Carla Abellana sa Basahang Ginto.
Nagsimula na nga si Aiko na mag-tape para sa naturang daily soap noong Biyernes, not minding a bit kung too young to play mother ang papel niya kay Carla. No qualms dahil ani Aiko, si Joel Lamangan lang naman ang direktor nito whose achievements will speak for themselves. Imagine, tatlong beses pang ipina-revise ni Direk Joel ang script para lang umangkop kay Aiko?
Ikalawa, Aiko cannot wait to see the plot further unfold with her in the cast via a pivotal role. “I hope this will be the start of a regular appearance in the soap. Also, I’ve always wanted to host a talk show, as I feel it’s right up my alley,” sey ni Aiko.
WHAT CAN POSSIBLY happen when a cop and a princess try to escape and end up crossing paths?
Ang episode ng 5 Star Specials ng TV5 na pinamagatang Si Paco at Ang Prinsesa starring JC de Vera and Carmen Soo is a must-see super romantic comedy to air on August 18.
Shot in Antipolo, first time nagkatrabaho nina JC, Carmen at ang direktor nitong si Joyce Bernal. The lady director, known for her cool, unassuming work style, was so impressed with JC and Carmen’s chemistry.
Hindi lang du’n sa aspetong ‘yon bumilib ang staff kay JC, dahil nu’ng taping day ay nagkataong nilalagnat ang aktor. Kaya kahit tulo ang sipon nito, excited niyang tinapos ang trabaho.
NAGING BAHAGI KAMI sa pagbubukas kahapon ng bagong negosyong pinasok ng kaibigang Jobert Sucaldito. Bukod sa ilang itinayo niyang franchise branches ng Inasal, Jobert has also put up a salon business aptly named Hair Jobs na matatagpuan sa No. 43-A Judge Jimenez cor. K-1st Sts., Kamuning, Quezon City.
Hindi pa man idinaos ang grand opening cum blessing kahapon ay dinagsa na ito ng mga kaibigan ni Jobert mula sa showbiz. Literally, one can say na mahaba talaga ang hair ni Jobert, whose wings have spread far and wide. His secret: good character and PR combined.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III