BADTRIP ang aktres na si Aiko Melendez kay Asec na si Mocha Uson (or better call her “Mochachang”) sa ginawa niyang kabulastugan (remember mga kababayan, ang buwis na kinakaltas sa sahod natin ang nagpapasuweldo sa walang awang kagaguhan na pinaggagagawa niya na walang silbi sa atin) sa kanyang lektyur-lektyuran series on Federalism na wala naman siyang kaalam-alam.
Ang latest nakabulastugan ni Mochachang at ang isa pang walang awa na nagbibigay kahihiyahan sa “diyos-diyosan” nila na nagngangalang Drew Olivar na pinagtatawanan ang ginagawa sign language na kahit saan mo man tingnan ay mali at isang malaking insult sa mga bingin or deaf nating mga kababayan.
Dahil sa kagaguhan ng dalawa, sa kanyang social media account, idinaan ng aktres ang kanyang galit at pagkadismaya sa ginawa ng dalawa.
Sa kanyang Facebook account ay may mensahe ang aktres; “Sukdulan to at dapat may kaso ito. Ginagawa nyong katatawanan ang mga may kapansanan? Too much. Ako makakalaban nyo dito!!! Enough!”
Dagdag pa ni Aiko sa kanyang shoutout: “Mocha Uson and Drew Olivar, hindi ba nyo nararamdaman ‘o alam ang ibig sabihin ng OFFENSIVE?!!!..Ganito po pasimplehan naten para di na humaba.
“Paano kaya kung isang araw magbaliktad tayo ng puwesto ng me kapansanan at mga PWD ang mag-explain ng Federalism Government sa inyo at yang pamamaraan nyo din ang pagpapaliwanag ang gawin sa inyo? Ano ang mararamdaman nyo?
“Madami kasi ako kilala na PWD na mas karapat-dapat sa position nyo eh. Sabi ko nga paulit ulit ako ay taga suporta ng PRD pero ang mga tulad niyo ang nakasisira sa imahe ng Pangulo.
“Wag nyo antayin na si PRD mismo ang magsabi sa inyo nito. I demand a public apology on behalf of the PWD. Kung kayo ay me puso at public servant manghihingi kayo ng tawad sa ginawa nyo? Or gagawa kami ng petisyon para mabigyan kayo ng karapat-dapat na kaparusahan sa asal nyo.”
Sa kanyang galit sa dalawa ay inilabas ni Aiko ang ilang provisions sa batas na RA 9442 Revised Magna Carta for PWDs na labag sa batas na kutyain ang may kapansanan.
“They are in the government. They should know better,” paliwanag pa ng aktres.
Yes, this are the people na nakakadagdag ng sira sa gobyerno ni Digong!
Reyted K
By RK Villacorta