NASA PROSESO NGAYON si Aiko Melendez sa pagtuklas kung sino ang nagpapanggap bilang siya sa facebook. Aminado ang aktres-politiko na gustuhin man niyang makipag-communicate via this latest means ay kulang na kulang ang kanyang oras.
At dahil nga may “impostora” who passes herself as the actress, it gives Aiko a disgusting feeling. “Baka kasi kung ano ang masamang motibo nu’ng taong ‘yon. Hindi ko ito nalaman kung hindi dahil kay Candy Pangilinan, eh,” kuwento ng konsehala ng Quezon City.
Hindi siyempre maiaalis isipin ni Aiko that with a pursuit of a higher dream in local politics ay baka gamitin ang naturang Facebook account na ‘yon bilang black propaganda laban sa kanya, this despite her well-meaning projects all over the city.
PAIBA NGAYON ANG program strategy ng TV 5. Kung ang ibang network ay batbat ng game at variety show tuwing lunchtime, TV 5 chooses to introduce its newest entertainment block, ang Noontime Drama Delight at Laughternoon Break.
Nagsimula nang umere noong Lunes, Aug. 24, ang award-winning Singaporean drama na The Little Nyonya at ang dalawang sitcom na Phua Chu Kang at Under One Roof, na kung tutuusin ay dito na lang sa Pilipinas, among all Asian countries, hindi napapanood.
Mas binigyan ng emphasis ng TV 5 ang kanilang 12 noon-2 p.m. block, thus giving way to these Asein masterpieces to cater to its alternative audience.
Paanong hindi paiba ang naturang istasyon? Sa halipt na mag-import ng Mexican novella, Chinovela o Koreanovela ay Sinagporean at Malaysian ang napisil nila. “Why? Because their culture is closest to ours,” sey ng taga-Singko.
KUNG SI ATE Guy may Tatlong Taong Walang Diyos, si Ate Vi naman, tatlong taong walang pelikula. Pero sa mga tagasubaybay ng gobernadora ng Batangas, myself included, it’s worth the wait.
Understandable naman ang three year-lul ng Star For All Seasons. Supposedly, two years ago ay kasado na ang muli niyang paggawa ng project sa Star Cinema, but fresh from her gubernatorial victory, she begged off na kung maaari’y makaisang taon man lang siyang manilbihan before facing the cameras again.
Finally, natuloy na nga ang In My Life via a role she has never portrayed: isang librarian, a mother to a gay son played by Luis Manzano. Named Shirley, natuklasan nito ang gay relationship ng anak sa New York leaving behind her library work.
Equally, it’s one for the books.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III