TUMBOK SEEMS TO be the operative word of the week, what with real-life characters with horrifying stories to share na balak pa yatang talbugan ang horror movie nina Cristine Reyes at Carlo Aquino!
Tinumbok na nga sa wakas ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ang isyu sa pagitan nila ng dating nobyang si Aiko Melendez when he formally charged the actress with libel sa Malolos Provincial Prosecutor’s Office last Thursday.
Tumbok na tumbok ni Patrick ang kanyang grounds batay sa umano’y mapanirang palitan ng supposedly private messages ni Aiko at ng kanyang gay friend identified as Ces Gella, particularly the slur against his sexuality. As if such legal action were not enough, kasamang naghain din ng parehong kaso si Pandi Mayor Enrico Roque na umano’y inilarawan through a blind item with whom Patrick is allegedly carrying on an illicit affair.
Sa sobra ngang pagkakatumbok sa isyu, even the 21-member League of Municipalities of the Philippines (Bulacan Chapter) led by its Secretary, San Ildefonso Mayor Paula Carla Galvez-Tan has initiated a two-page resolution in support of Mayors Meneses and Roque. Nakasaad din sa naturang Resolution No. 03-2011 na ideklarang persona non grata ang mga tao sa likod ng smear campaign laban sa dalawang respetadong alkalde.
By now, after days of self-imposed silence ay tinumbok na rin ni Aiko ang naturang usapin although it would seem that her recent tweets were “half-tumbok” as she was gearing up for the ultimate tumbok in addressing the issue.
Sa ngayon, the whole showbiz is treated to every frightening day as the case progresses. Mahigit tatlong taon ding nagsama sina Patrick at Aiko under one roof… hindi kaya ang nagsilbing lovenest nila ay nasa tumbok, kung paanong ang tahanan ng mag-asawang Ronnie at Grace (Carlo at Cristine) ay dinalaw rin ng kamalasan sa pelikulang Tumbok?
Wala lang, naikunek ko lang even if it doesn’t make sense.
KUNG WANTING OF advertising support ang programang Face To Face ng TV5, how can one explain its continued airing and high viewership rating?
Since its inception, hindi naman iniligaw ng naturang show ang format nito. FTF is a big barangay hall on TV where the cheapest, the tackiest of issues involving families and neighbors are tackled in the most confrontational way. Ang redeeming value nga lang nito is the presence of a neutral go-between sa katauhan ni Amy Perez with the professional support of the so-called Trio Tagapayo.
Sa Episode 292 today na pinamagatang Ex Ng Ate Ko Na Ngayon Ay Jowa Ko, May Iba Pang Kalaguyo, away ng magsisteraka ang tampok sa kuwento. Matulis yata ang lalaking si Ben na natuhog ang magsyupatembang na sina Mhiles at Kiray, gayong may kinakalantari rin pala itong ibang girlalu.
Another katsipan to the max ang hatid ng kuwentong Kapatid Kong Makati Ang Dila, Itsinitsismis Na Ako’y Makati Pa Sa Higad bukas, Martes. Magsisteraka rin ang mga bidang sina Sonia at Solia na kapwa naglalabasan ng kanilang mga baho, na ang masaklap na ending, pinalayas ni Sonia ang tsismosang si Solia na sa barangay outpost na lang tumitira.
So, who says na sa pelikula lang mapapanood ang mga ganitong katsipang kuwento? Your neighbour might also have a story or two to tell, mind you!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III