NAGHAIN NA ng Certificate of Candidacy (COC) ang aktres na si Aiko Melendez sa tanggapan ng Comelec sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga, September 6, 2021. Muling tatakbo si Aiko bilang konsehal sa 5th District ng Quezon City.
“Hindi ko papasukin ang public service dahil sa ako ay wala kasiguruhan sa mundo na kung san ako galing,” simulang sabi ni Aiko.
Kinailangang talikuran pansamantala ni Aiko ang ilang showbiz commitments sa kanyang pagbabalik sa pulitika. Matatandaang 9 na taon ding naging konsehal noon ng Quezon City si Aiko.
“Nakatapos ako ng 2 pelikula ngayong pandemic. May iniwan ako na show na hanggang next year. Hindi ako naghihirap, pero di ko din masasabi na mayaman na mayaman ako.
“Modesty aside po, matagal na ako sa industriya galing ako sa mga soap operas na nagtagal pareho sa ere. Madami na dng nagawang pelikula. May mga endorsements at higit sa lahat hindi po ako nawawalan ng proyekto. Marahil na din dahil sa mahal ako ng Dios kaya tuloy-tuloy ang biyaya na dumating sa akin na gusto ko ibalik sa tao.
“Lahat ng ito hindi bago sa akin. 9 na taon akong naging konsehal. Nag-aral ako at wala ako iniwan na di maganda sa QC. Kaya taas noo ko na maipagmamalaki na babalik ako dahil higit akong kailangan ng aking mga ka-distrito na buong katapatan ko pinaglingkuran dati,” pahayag ng aktres.
Sa naturang post ay inisa-isa din ni Aiko ang mga naipasang batas niya sa Konseho ng Quezon City na nagbebenepisyo ang mga PWDs, kababaihan at at iba pang sector ng kanyang distrito.
Ipinagmalaki rin ni Aiko na hindi katulad ng ibang tumatakbo sa pulitika na galing sa political clans, sariling sikap daw ang puhunan niya bilang public servant.
“Hindi ko minana o pinasa sa akin ang pagiging public servant. Tumayo po ako at nagtrabaho, pinagpaguran ang inyong pagtitiwala ng 9 na taon dala ang tapat at masipag na pagserbisyo. Ako lang sa pamilya namin ang pumasok sa pulitika dahil sa pag susumikap.
“Kaya kahit magkakaiba ang naging batayan o pulso natin sa pagpili ng lider buong puso ko na mapapagmamalaki na hindi ako nagnakaw at nagmalabis sa pondo ng bayan at kailanman hindi ko ipagkakait ang serbisyo at benepisyo na para sa tao,” sambit pa niya.
Ipinangako rin ni Aiko na susuklian niya ng pag-aalaa at buong katapatan ang tiwala na ibibigay sa kanya ng mga tao. Suportado naman si Aiko ng boyfriend na si Cong. Jay Khonghun na sinamahan pa siya sa pagpa-file ng COC.