MASAYA PA rin si Aiko Melendez kahit hindi siya kundi si Nora Aunor ang nanalong movie Actress of The Year sa katatapos na 31st PMPC Star Awards For Movies. Bago ito, nanalo naman siya bilang Best Actress in a foreign language film recently sa 7th International Filmmaker Festival of World Cinema na ginanap sa London.
Nakalaban ni Aiko ang mga international actresses na sina Charlotte Munck for Meeres Stille, Mariano Panagidou for Butterfly, Sveva Alviti for Borderline, Jing Ho for Diary, Anqu Liu for Belief, Laia Forte for Distanza, Thaila Ayala for (Des) Encontros, at Shana Chatterjee for Picnic.
Nanghihinayang raw si Aiko na hindi siya nakapunta roon.
“Actually, we’re all set na to leave for London,” paliwanag niya. “Kaya lang I’m taping for Inday Bote. Hindi ako pinayagan. Pero para sa akin talaga, ‘di ba? Kahit wala ako ro’n, nasa akin na ‘yong award ko.”
Si Jomari, ano ang sabi sa international acting award nga na napanalunan niya?
“Hindi pa niya ko binabati. In fairness sa kanya,” tawa na naman ng aktres. “Parang delayed ‘yong international award na ‘yon sa kanya. Hindi niya nababalitaan! Hahaha!”
Nabalik na ‘yong closeness nila ni Jomari. At happy na raw si Aiko na magkaibigan ang turingan nila sa ngayon.
“Oo. E, busy ‘ata ang lolo (Jomari) n’yo sa kaka-karera! Hahaha!”
Marami ang nag-iisip na sa magandang samahan nila ngayon ni Jomari, baka raw nga posible pa silang magkabalikan. Ano kaya sa tingin ni Aiko?
“No. Alam mo, Jom and I have come to… an agreement na siguro mas magiging priority na lang namin is maging mabuting magulang sa aming anak na si Andrei. And… iyon talaga ang priority namin,” nangiting huling nasabi ni Aiko.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan