WALA NA sa pangangalaga ni Kuya Boy Abunda ang award-winning actress at Prima Donnas star na si Aiko Melendez. Iba na ang kanyang manager ngayon dahil pumirma siya ng three-year contract sa management team ni Arnold Vegafria nitong Huwebes (Aug. 9) lang.
Post ni Aiko, “Just finished signing a 3 years contract under @alvtalents. I’m officially under the management of Kuya Arnold Vegafria. All but excitement with my new family. So many great things ahead. Change is always good.”
Nagpahayag din ng pasasalamat si Aiko sa kanyang dating manager – Kuya Boy Abunda — na humawak ng career niya for almost 18 years. Ibinahagi din ng aktres na naging maayos ang kanilang paghihiwalay.
“Maayos ang aming hiwalayan ni Tito Ninong Boy Abunda. Walang hinanakit o personal na dahilan,” pagdidiin niya.
“Salamat po Tito Ninong sa 18 yrs! I will forever be grateful. Nothing but good words for you,” dagdag pa ng aktres.
La Boka
by Leo Bukas