DOUBLE MEANING pala para kay Aiko Melendez ang kahulugang ng Philippine Independence Day na ginugunita tuwing June 12. Bukod kasi sa ito ay araw ng kasarinlan ng mga Pilipino, literal na araw din ito ng kanyang kalayaan sa ex-husband na si Jomari Yllana.
Ayon kay Aiko, June 12 ang araw na ma-annul ang kasal nila ni Jomari.
“Exactly today alala ko unang tinawagan ko bukod sa pamilya ko nung nakuha ko sulat from QC si mader Ogie Diaz sinabi ko sa kanya mader independent na ako sa independence day.
“Sabi niya gaga anong independent. Sabi ko single na ako! Annuled na po ako! Sabay kami nag iyakan sa telepono!
“Opo! Independence day when i got my annulment from Jomari. It was mixed emotions but more of a relief,” simula ng post ni Aiko.
Si Andre ang naging anak ni Aiko kay Jomari na ngayon ay 21 years old na.
“I was happy that i was vindicated and I am finally free from all the heartaches, all the hardships. But i still would want to thank him despite all those, after 21 years kasi he gave me a wonderful son which i named after, Daddy Andy who i miss so much. He was so nice to me. And i must i was his favorite. Thank you!” dugtong na pahayag pa ni Aiko.
Hindi na nagkakausap ngayon sina Aiko at Jomari pero thankful siya na dahil sa dating aktor ay nagkaroon siya ng lalaking anak.
“Sa 21 years na malaya ako. Kaht sa 21 years na yon di tayo nag-uusap Jose, salamat kasi di mapapantayan ng ano mang sustento ang regalo na di mo man nabigay lagi kay Andre.
“Na bibihira ako bigyan ng sakit ng ulo. Napaka buti ng anak ko. No tantamount of money can compare to that.
“So thank you. And thank you also You made me soar high after that annulment! Happy Independence Day to all,” pahayag pa ni Aiko.