Aiko Melendez, na-hurt sa akusasyon – Ronnie Carrasco

PINALAGAN NI AIKO Melendez ang isang tabloid item (hindi rito sa Pinoy Parazzi) courtesy ng isang residente sa Quezon City tungkol sa kanyang umano’y pagsasawalang-bahala nitong nagdaang bagyong Ondoy.

Pinuri pa ng e-mail sender ang ginawang pamamahagi ni Angel Locsin ng relief goods nang mag-isa, samantalang wala raw namang alam gawin ang aktres-ulitiko kundi  ang um-attend ng mga awards night at gay beauty contests.

Sa dalawang bagay naging biktima rito si Aiko: unfair comparison at maling pagbabalita.

At tulad ng sinumang taong inilaglag sa ganitong paghuhusga, ayaw man niyang sabihin at tinext ako ni Aiko ng kanyang depensa mismong araw nu’ng malathala ang maling impormasyon.

Ang I quote: Good morning, Ron. Ika-clarify ko lang sana ‘yung article na lumabas sa (name of tabloid). It says there na wala raw akong nagawa during typhoon. First of all, I’m not like most of the people who do my share nang hindi na kinakailangan pang i-publicize, after all, that’s the essence of charity, unquote.

Ngunit para na rin daw sa kaalaman ng marami, inaanyayahan ni Aiko na bisitahin ang kanyang Facebook account na ginawa ng kanyang supporter: ang “aikomismo movement”. Sa website na ‘yon makikita ang ilang larawan ng kanyang pag-iikot sa walumpung porsiyentong bahagi ng kanyang distrito na lubog sa tubig.

Dagdag pa ni Aiko, and again I quote: My detractors can have a field day making personal attacks against me, pero huwag naman sa isang bagay that we are all most sensitive about. Ang paniniwala ko kasi, and I gues this holds the same for a lot of us, kung tutulong ka, tumulong ka na lang, you don’t have to announce  your good deeds, unquote.

Labag man daw sa kanyang kalooban na “ipagmalaki” ang kanyang maliit na nakayanan, she simply has to defend herself.

Hindi lang si Aiko, kundi marami pang mga artista, are trapped in this predicament. Media or without media coverage of their acts of charity, sinisilip pa rin, even their political agenda is questioned gayong hindi naman ito ang tamang panahon ng pamumulitika.

Aljur and Kris Loveteam, hindi hot?

NAGING SAKSI RIN ako sa ilang mall events ng Bench promoting its latest product line as well as its endorser.

Recently, ang inilunsad ng naturang clothing line for its Black Raw OJ ay ang tamabalang Aljur Abrenica at Kris Bernal, na ayon sa PR department ng Bench as “hot new pair”.

To me, the phrase is a “misnomer” (hindi angkop) as the Aljur-Kris tandem is neither hot nor new. Hindi mainit dahil hindi naman kasi sila gaanong tinilian ng mga manonood sa Trinoma Center, lalong hindi bago dahil nagtambal na sila sa isang afternoon TV soap at magkasama pa sa pelikula na isang maliwanag na suntok sa buwan.

Sana man lang din, to compensate for her height ay ayusin ni Kris ang kanyang pagrampa sa stage. At ayusin din sana ng certain Lawrence form Bench ang pag-eestima sa inimbitahan nilang press.

Bisperas kasi ang event na ‘yon ng pananalasa ng bagyong Ondoy, feeling ko, and all the others on our way out ay pila ‘yon ng relief goods.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleStars Candid: Jomari Yllana, type rin maging payaso?
Next articleEthel Booba at Blakdyak, purdoy na? – Ruben Marasigan

No posts to display