BLIND ITEM: GUSTO NA raw kalasan ng isang young actress ang kanyang non-showbiz boyfriend who’s several years her senior. Hindi ko sasabihin ang dahilan ng aktres sa naiisip niyang hakbang, but from all indications, ang kasalukuyang problema ng kanyang nobyo (I won’t say it either) is what makes their relationship complicated, very complicated.
May kung anong takot kasi ang nararamdaman ng aktres, kung tuluyan na niyang ililigwak sa buhay ang kasintahan. Gaano katotoo na may banta sa kanyang buhay should she break up with her beau?
AFTER RAYMART SANTIAGO, wala nang ibang nabalitang naging nobyo si Gelli de Belen except for Ariel Rivera who she ended up marrying. At parang kailan lang nung magkasintahan sina Ariel at Gelli, to date they have been married for 12 years, and in showbiz, this is a feat!
No wonder, isa pala si Gelli sa mga nahingahan ni Aiko Melendez after the latter’s breakup with Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. As we all know, Aiko had been married twice, ewan kung nakabuti nga ang paghihiwalay nila ni Patrick at hindi na umabot sa altar ang kanyang three years old relationship.
One week pa lang ang Tweetbiz Insiders since its reformat, but Gelli, being one of its main hosts, has oodles to share about marriage. Wives out there, take it from Gelli who says: “The husband is the one who sets the pace, the wife keeps the pace going.”
Back to Aiko, opinion ni Gelli na kailangang maging “whole” muli ang kaibigang aktres for her to find her Mr. Right. Hindi man ‘yon ang alkalde ng Bulacan, who knows, Aiko’s would-be Mr. Right might just be lurking somewhere.
As a friend to Aiko, gustuhin ko man siyang usisain tungkol sa paghihiwalay nila ni Patrick, I’d rather not pry into her private life. After all, neither she nor Patrick has publicly divulged the reason behind it.
But if my source is reliable enough, totoo nga bang may binitawang salita si Patrick that triggered Aiko’s decision to drift away? Dumating na nga ba sa puntong ang presensiya umano ni Aiko sa buhay ng kanyang pulitikong nobyo had become more of a “liability” than an “asset”?
Well, we can only speculate. But the concern for both of them, separately this time, remains.
“KAYA KONG BUMABA sa pinag-aralan mo, pero hindi mo kayang abutin ang pinag-aralan ko!” ito ang mala-pelikulang linya ni Rica (Richard sa umaga), isang parlorista, sa kanyang kaibigang si Ever (Dennis by day).
Karaniwan ang kuwento ng dalawang vaklesh, dating best of friends na nalamatan ang pagkakaibigan nang hindi man lang tumanaw si Ever ng utang na loob kay Rica na siyang nagpasok sa kanya sa parlor. Worse, sinisiraan pa ni Ever si Rica sa mga kostumer, nagyayabang pang mas mahusay siya kesa sa kanyang mentor.
Dito iikot ang ba-ngayan ng dalawa ngayong Biyernes sa Face To Face na pinamagatang “Isang Inggrata at Isang Sumbatera, Mga Beking Parloristang Nagwarla.”
Siyempre, bukod sa talakang umaatikabo, ano pa ba naman ang puwedeng asahan pag nagsalpukan na ang mga bading? Pakinggan pa kaya nila ang mga payo ng isang abogado, isang doktor at isang pari sa gitna ng kanilang madugong eksenang ikinawindang mismo ni Amy Perez? Abangan!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III