Aiko Melendez proves that moving on is easy for her

KAHIT STRICKEN OUT na yata ang aming pangalan sa roster ng iniimbitahan ng ABS-CBN (FYI, Sir Bong Osorio), isinusulat namin ito for the love of Aiko Melendez.

Kung hindi kami nagkakamali, Reputasyon (that piloted last Monday, that airs daily at 2 p.m.) is Aiko’s first regular TV exposure now that she reembraces showbiz leaving her political career behind, for now.

Isang bida-kontrabida ang papel na ginagampanan ng  dating konsehala ng Quezon City that makes it all the more challenging. Ayon pa kay Aiko, ang makasama rin ang bida ritong si Cristine Reyes is another source of excitement, at least, para maiparamdam sa kapatid ni Ara Mina that whatever transpired between her and her ate before is water under the bridge.

Bago nga tanggapin ni Aiko ang naturang teledrama, in her mind ay gusto na rin niyang mawala ang public perception na meron siyang “reputasyon” as an individual na nahihirapang mag-move on. Kung ‘yun ngang sa kanila ni Mayor Patrick Meneses, tanggap niya, ‘yun pa kayang sa kanila ni Jomari Yllana?

In fact, Aiko had sent feelers to Ara through Carmina Villaroel na wala itong dapat ipag-alala kung magsasama sila sa trabaho. Although there seems to be an unspoken agreement never to talk about Ara, Aiko and Cristine perfectly gel on the set.

INAASAHANG SISIPUTIN NA ni Maricel Soriano ngayong araw, Miyerkules, ang ikalawang imbitasyon ng Barangay Poblacion sa Makati City, kaugnay ng kasong isinampa ng kanyang dalawang kasambahay laban sa kanya.

Exactly a week ago when Maricel made a no-show at the scheduled barangay hearing, snubbing the first of three summons as per barangay protocol.

Kung hindi kami nagkakamali, mukhang off-limits ang media if at all the embattled actress turns herself up today, dahil mismong ang batikang brodkaster na si Mon Tulfo—from whom the alleged victims of the actress’s verbal and physical abuse May Cachuela and Camille Acojedo sought initial media assistance—ang nagsabing isa itong closed door meeting.

A willing go-between, Mon has repeatedly urged the actress-respondent na harapin ang kanyang kaso dahil aniya:  “Flight is a sign of guilt.”

Ayaw naming pangunahan ang magaganap ngayong araw, but a likely circumstance is that Maricel will make a no-show for the second time since meron pang ikatlong pang-iisnab sa ganitong proseso before the case is elevated to the proper courts of law. Kung hindi nga naman sinipot – whether deli-berately or otherwise – ni Maricel ang unang barangay hearing, and another possible no-show is expected today, then what’s the difference?

Sana lang, there’s no truth to the rumor  as to Maricel’s alleged reason for her intentional non-appearance. Isa sa mga alegasyon nina May at Camille ay ang umano’y pagtawag sa kanila ni Maricel bilang mga hampaslupa, kaya hindi nila makakayang magbayad ng abogado para sa kaso.

If true, huwag sanang kalimutan ni Maricel that there exists Public Attorney’s Office (PAO) sa ilalim ng Department of Justice kung saan pinamumunuan ito ni Atty. Persida Rueda-Acosta, herself a promdi at hikahos din na nagsikap sa buhay. Again, if true, hindi na problema ni Maricel ang legal na hakbang ng mga babaeng nangamuhan sa kanya because as it is now, she simply has to disprove her guilt sa tulong ng de-kampanilya pa niyang tagapagtanggol.

Tigilan na ang pang-aalipusta sa kapwa… bakit, galing ba sa mayamang angkan si Maricel mula sa Pasay City?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleNapagtripan ni PO2!
Next articleApoy sa Takip-Silim

No posts to display