Aminado si Aiko Melendez na seven months na siyang loveless. Hindi na raw niya ito inanunsiyo bilang respeto sa kanyang ex-boyfriend dahil hindi naman daw ito taga-showbiz.
“Im very single, for those who are asking, for many times now. I’m not being ano ha? Pero I am very much single, but I’m ready to mingle. Seven months na po akong single, hindi ko lang po talaga ipinaalam sa press and sa media ‘yung break-up namin, because it’s my respect for my ex-boyfriend since hindi naman siya artista,” pahayag ni Aiko.
Kahit na hindi maganda ang kinasapitan ng relasyon sa Persian businessman na si Shahin Alimirzapour, handa na raw siyang makipag-date.
Pero, ready ka na bang magkakaroon ulit ng love life?
“When it comes to love, ano iyan e, it’s also a risk and gamble, hindi ba? But it doesn’t mean naman that my heart will stop falling in love. For as long as I’m alive, it’s a blessing to be loved and be in love,” nakangiting esplika pa niya.
“Im single for seven months already, I dont mind dating and mingling… it will just come kapag nandiyan na iyan. Then, doon ko pa lang malalaman if I’m ready na po,” dagdag pa ng aktres.
Samantala, sa pelikulang “Balatkayo” ng BG Productions ni Baby Go, malalim na tinalakay ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo para mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso. Si James Robert ang solong anak dito nina Aiko (OFW sa Singapore) at Polo Raveles (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.
Bilang nanay, paano mo pinoprotektahan ang iyong anak sa harmful effects ng social media?
“Bukod po sa pinakikialaman ko ang phone nila nang hindi nila nalalaman, lalo na kay Andrei, dahil alam ko ang password niya. Pero mamaya siguro papalitan na niya iyan… I really remind them the values of believing in God,” saad niya.
Pahabol pa ni Aiko, “Kasi kapag naniniwala kayo sa Diyos, may takot silang pasukin ang mga porn sites, magdadalawang-isip kayo. And kapag everytime na ini-instill mo ‘yung values sa mga anak mo, mas may takot sila at mag-iisip sila kung dapat bang gawin iyon o hindi.”
Nabanggit din niyang hindi siya nakare-relate sa role sa pelikulang “Balatkayo” dahil iba ang sitwasyon nila ng karakter sa pelikulang ito. “Kasi iyong problema namin po here is medyo sensitive and sa totoong buhay, never ko pa na-encounter na ang anak ko ma-involve sa sex scandal po.”
So, hindi mo nai-imagine na posibleng mangyari rin iyon kay Andrei?
Wika ni Aiko, “Malayo pong mangyari, kasi pinalaki ko po si Andrei na may rules kami na sinusunod. And I surround him with people na matitino para ‘di matukso na magawa iyan.”
Ang “Balatkayo” ay mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at tinatampukan din nina Nathalie Hart, Rico Barrera, James Robert, at iba pa.