MATINDI talaga ang pulitika, huh! Imagine, hindi pa nga nagpa-file ng certificate of candidacy (COC) ang aktres na si Aiko Melendez sa kung anong posisyon ang balak tatakbuhin sa May 2020 pero marami na agad ang nambabatikos sa kanya.
Binibigyan agad ng political color ang ginagawa niyang pagtulong sa mga mamamayan ng District 5 Quezon. Ang iba naman ay tinatanggal pa ang tarpaulin ng aktres na hindi naman siya actually ang nagpalagay kundi ang mga supporters niya.
Pero ang mas matindi, may death threats na natatanggap ngayon ang aktres. Pinayuhan din siya na huwag na raw nitong ituloy ang balak niyang pagtakbo sa eleksyon.
Ganun ba sila natatakot na makabangga si Aiko kaya sa napakaagang panahon ay may “demolition job” na kaagad laban sa kanya? Nakakaloka kayo, ha!
Sa pamamagitan ng isang screen shot ay ibinahagi ni Ogie Diaz ang mensahe mula sa isang unknown number na nagsasabing, “Ingat lang nakamasid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sayo wag ka na tumuloy tumakbo. Alam namen lahat oati san ka nakatira at kung asan ka ngayon. Mag isa ka dba.”
Iba rin, di ba? Afraid sila kay Akikay, (tawag namin kay Aiko).
Ayon pa sa kaibigang Ogie Diaz, “Sana wala nang ganyan na mga bantaan. Hindi maganda ‘yan kasi baka bumalik ‘yan sa inyo. Tsaka kung naniniwala kayo na kayo ang karapat-dapat na maluklok sa pwesto, hindi ninyo kailangang ma-tense. Hindi n’yo kailangang matakot na baka may pumalit sa puwesto.
“Kung naniniwala kayo na totoong nagtatrabaho kayo, na totoong binibigay niyo lahat ng serbisyo sa kapwa ninyo, hindi kayo dapat kabahan dahil kayo ang iboboto ng mga tao.”