INIINTRIGA SI Aiko Melendez ng isang aktres sa pagkapanalo niya bilang Best Actress in a Foreign Language Film sa nakaraang London International Film Festival last February.
Hindi man nakarating sa naturang event ay napasakamay naman niya ang tropeo na ibinigay sa kanya thru her director na si Louie Ignacio na siyang nagdirek ng pelikulang “Asintado” na nagpanalo sa kanya.
“Ayaw ko ng negative vibes,” sabi niya sa amin sa pamamagitan ng FB chat namin last Tuesday evening. Kinukuwestyon daw kasi ng naturang aktres ang pagkapanalo niya na ang sabi, gawa-gawa lang daw ang award at wala naman daw ito.
Hindi man nakadalo sa gabi ng parangal ng London International Film Festival, dumalo naman ang aktres sa imbitasyon ng pamunuan ng Sophia Consortium, kung saan binigyan siya ng parangal sa kanyang pagkapanalo sa naturang international filmfest ng mga kilala at distinguish Filipinos based in London.
Last week, kasama ang kaibigan na si Ogie Diaz, dumalo si Aiko para pasalamatan ang Sophia Consortium. Sa photos na ipinadala ng aktres sa amin, gandang-ganda kami sa suot niyang gown na gawa ni Edwin Tan para sa recognition na iginawad sa kanya.
“The event I attended was for another award organization named Sophia Consortium which consisted of achievers in different fields. I won for the entertainment category. The members of the organization are distinguished lawyers, designers, doctors who are mostly Filipinos and based in London.
“There are about 300 members and guests who attended the event. It feels good to represent syempre our country and pinoy di ba? Ang sarap ng pakiramdam,” pagbabalita ni Aiko sa amin.
Kahapon Thursday, nagkaroon ng story conference ang aktres para sa bagong show niya sa Kapamilya Network after niyang mag-kontrabida sa pantaseryeng Inday Bote.
Reyted K
By RK VillaCorta